October 27, 2015
Dear Diary,
Alam mo ba medyo maaga ako ngayon pumasok. Hindi ko rin alam bakit pero 11:40 am nasa school na ako. Nagpunta na lang muna ako sa canteen para kumain ng 5 pesos na hotmeal tsaka bumili ng baon para hindi na ako lalabas mamaya.
Aba'y palapit pa lang ako sa tindera pero nagulat ako nang bigla akong matapunan ng chocolate drink sa blouse ko.
"Ay ate sorry sorry po." sabi ng babaeng estudyante na nakatapon sa akin ng choco drink sa cup.
"Okay lang po." sabi ko kahit hindi naman okay. Ayon na lang bigla ang salita na lumabas sa bibig ko.
Nakatingin na sa akin ang mga tao sa canteen. Nakakahiya. Patakbo akong umalis sa canteen habang hawak ang blouse ko pauna, para hindi dumikit sa balat ko at bumakat ang bra ko. Nakatingin sa akin lahat ng nakakasalubong ko. Yumuko na lang ako para 'di ko makita ang mga tingin nila sa akin.
Ang malas ko.
Ang malas ko.
Ang malas ko.
Agad akong tumakbo papunta sa direksyon ng comfort room with outdoor sink na malapit sa room namin. Binuksan ko 'yung gripo at agad na binasa ng tubig ang blouse ko. Wala pa naman akong sandong suot sa loob ngayon. HAY NAKO MALAS TALAGA.
Tuloy tuloy lang ako sa pagbasa ng blouse ko at pagtanggal ng stain habang hatak ko 'yun para 'di mabasa ang balat ko at siyempre nga para 'di bumakat 'yung bra ko. Kahit na white ang suot kong bra nakakahiya pa rin 'pag bumakat lalo na .. sinasabi ko sa'yo diary PINAPANOOD AKO NG LAHAT!
Lumapit nga si Magi, "Hala anong nangyari sa'yo?"
"Natapunan ako ng choco drink sa canteen."
"Malapit ba bahay niyo dito? Umuwi ka kaya muna, palit ka ng damit sa inyo."
"Taga Bleu ako pero dulo pa kami, anong oras na ba? Malapit na ata mag-uwian ang pang-umaga."
"11:35 na."
"Ma-le-late ako 'pag umuwi pa ako. Bahala na, matutuyo naman siguro 'to hanggang mamaya."
In fairness ha, natanggal ko kahit paano 'yung stain ng choco drink sa buong blouse ko. Advantage ng manipis na damit, madaling natanggal 'yung mantsa kahit walang sabon. Pinigaan ko 'yung blouse ko tapos ginamit ko na lang na pantakip sa basang-basa kong blouse 'yung panyo ko.
Kahit nagtataka 'yung iba kong kaklase pati 'yung teacher ko bakit may panyo ako sa dibdib, sinabi ko na lang, basa kasi natapunan ng choco drink sa canteen.
Buong first subject to third subject pinapanalangin kong matuyo na 'yung blouse ko, at ayon, mabuti na lang natuyo na siya bago magrecess.
Kaya mo 'yon diary? Gan'on ka rin dapat kapag nabasa, patuyo ka rin ng mabilisan. Pak ganern!
Palaban,
Katrina ♡
P.s: Natrauma na tuloy akong bumili sa canteen :(
--
maikee ~
BINABASA MO ANG
Bawal Basahin
Teen FictionEpistolary (Diary Entries) Young outlook in love from Katrina, year 2015. Her highschool memories of admiring Lawrence, the 9th grader guy she saw inside a computer shop. Bawat pahina ay mula sa kaniyang puso, kaya naman bawal basahin!! Language: Ta...