P.6 - Taken

4 1 0
                                    

November 11, 2015


Dear Diary,



Goodmorning!



Nag-open na ako ng Facebook sa computer. Sinubukan kong i-search 'yung pangalan niya sa FB, akalain mo 'yun lumabas agad 'yung account niya.



Ang astig 'di ba?! Napakaswerte ko talaga!!



Tiningnan ko kung ano-ano ang mga details sa profile niya. Nakita ko sa cover photo niya may picture silang magkatabi ng isang babae na medyo morena with cat-eye makeup, red liptint, at itim na choker.




May girlfriend na siya diary.



Mas maganda naman ako ano. Sa section namin ako ang pinakamatangkad sa mga babae. Straight at hindi naman magulo buhok ko. Maputi naman ako, medyo na lang pala kasi madalas kaming may practice sa bahay nila Dex. Maganda nga lang 'yung line sa mata nung girlfriend niya, mukhang singkit. AH BASTA! Hindi man matangos ang ilong ko, 'pag sideview naman oo.




Cute cute ko kaya. Marami nga nagkakacrush sa akin nung elementary.



OO NGA PROMISE! CROSS MY HEART MAMATAY MAN TAMAAN MAN AKO NG KIDLAT TOTOO 'YON



Pero crush lang naman 'di ba? Hindi ko naman siya aagawin sa shota niya. Hindi ko rin naman kayang lapitan si Lawrence at kausapin. Admire ko na lang siya mula sa malayo. Hays :( :(





Cute pero sad,
Katrina ♡





P.S : December 25 pala bday niya tapos 2 years older siya sa akin
P.P.S : Bye na muna papasok na ako sa school






--
maikee ~

Bawal BasahinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon