October 30, 2015
Dear Diary,
Alam mo ba undas na. Kaya tuwang-tuwa kami kasi wala kaming pasok hanggang November 2.
Kaso kanina 'di ba hinintay ko si Angge, kasi cleaners siya tapos sabay kami umuwi. 5 pm pa lang ang dilim na sa buong school, kaya grabe ang dilim noong nag-uwian kami ng 6 pm. Kami na lang ang section na natira sa school. Ayun nga, hinihintay ko si Angge kasi cleaners siya, inaya ba naman ako ni Magi na pumunta sa building ng grade 7, malapit sa room namin sa baba. Sobrang dilim pa naman doon kasi patay na lahat ng ilaw ng mga buildings.
Mag-ghost hunting daw kami. Hindi ako sumama sa kaniya sa pag-akyat, nandoon lang ako sa baba ng hagdan, nakatingala ako sa kaniya habang naakyat siya sa building. Nakakatakot kaya sobrang dilim ng buong building. Ang gulat ko nang bigla siyang umirit at tumakbo pababa, kaya napasigaw at napatakbo rin ako paalis sa building.
"Nakakatakot! Parang may nakatayong multo doon sa taas!" sigaw ni Magi.
"Huwag ka ngang manakot! Ang dilim na oh! Martes pa naman ngayon."
Dagdag ko pa, "Dapat kasi hindi ka na umakyat, kulit mo kasi. Malapit pa naman ang Araw ng mga Patay hala ka." sabi ko habang pabalik sa room namin.
Tapos na sila maglinis ng classroom pagbalik namin. Ni-lock na nila ang room, tapos nagsabay-sabay na kami palabas ng school. Nilabas ko nga pala 'yung bago kong flashlight na de charge, color light green. Ang lakas ng ilaw promise, ang layo ng abot, daig ko pa ang guard.
Ang ganda ng flashlight ko,
Katrina ♡
--
maikee ~
BINABASA MO ANG
Bawal Basahin
Novela JuvenilEpistolary (Diary Entries) Young outlook in love from Katrina, year 2015. Her highschool memories of admiring Lawrence, the 9th grader guy she saw inside a computer shop. Bawat pahina ay mula sa kaniyang puso, kaya naman bawal basahin!! Language: Ta...