P.5 - Lawrence

4 1 0
                                    

November 10, 2015


Dear Diary,



DIARY!! AAAAA!! MAY SASABIHIN AKO SA'YO!



NAKITA KO NA SIYA! 'YUNG CRUSH KO SA COMSHOP! LAWRENCE ANG PANGALAN NIYA!!!



Oo na, alam kong gusto mo rin malaman. Ganito kasi 'yan ikukwento ko sa'yo para 'di ka ma-op hihihi.



Si Angge kasi nagpasama mag-cr. Alam mo naman sa public school konti lang ang cr, kaya share share ang mga section. Edi pumunta na kami sa cr namin sa labas, 'yung tatluhang cr ha, amin 'yung pang-una sa kaliwa. Sira kasi doorknob n'on kaya kailangan may bantay na nakatuon sa pinto kapag iihi, kasi nabukas siya mag-isa. Amazing :)



Edi nakatuon 'yung kanang kamay ko sa pinto habang nakatingin ako sa malayo— sa mga nag-p-PE sa covered court. Tapos hawak ko sa kaliwang kamay 'yung padlock at susi ng cr. Siyempre ni-lo-lock namin 'yung cr para kami lang na dalawang section gagamit, kami lang din ang magsisisihan kapag madumi at kami lang din ang maglilinis. Gano'n sa public school.



May biglang tumawag sa akin. Medyo maliit na lalaki, tapos kung pwede raw silang maki-gamit ng cr. Pagtingin ko sa gilid niya may kasama siyang lalaki nagtatago sa gilid ng pader. Dahil mabait ako sabi ko pwede naman, edi nagthank you si kuya na nagpaalam sa akin.
Saka pa lang umalis sa pagkakatago 'yung lalaking kasama niya tapos mahinang nag-thank you.



Ang pogi nung lalaki. Matangkad siya, malapit na niyang maging kasing tangkad 'yung pinto ng cr. Payat din siya, moreno at singkit. Actually, mukha siyang pamilyar sa akin kaso 'di ko lang maalala kung saan ko siya nakita. Ang ganda rin pala nung parang square na blue scenery ata 'yun, na nakalagay sa gitna ng white t-shirt niya.



Natulaley ang lola mo, malay ko bang makikita ko siya ng malapitan. Ang crush kong chinito sa comshop! Kaya pala mukhang pamilyar. Nakalimutan ko na siya sa sobrang daming nangyayari sa araw-araw.



Tahimik lang kami natayo sa tapat ng mga pinto ng tatlong cr, hinihintay matapos mag-cr si Angge. Habang 'yung dalawa namang lalaki sa gilid ko nag-uusap, may sinigawan pa nga silang kaklase nila tapos nagtawanan. Tahimik lang ako ano, wala naman akong makausap, tyaka inaalam ko kung saan ko ba nakita 'tong lalaki na 'to very familiar talaga.



Ayun tapos na mag-cr si Angge edi kinausap ko muna siya na may makikigamit ng cr, pumayag naman siya. Sinabi na lang namin na pakibuhusan ng ayos. Umalis kami sa daan para bigyan sila ng way.



"Ikaw muna."
"Ikaw muna."
nagtalo pa sila.


Pero nauna 'yung kasama ni crush na medyo maliit na lalaki. Naiwan si crush nakatayo sa gilid ko. Ang cute niya magsalita, parang pusa— may maliit na curve sa parehong kanto ng labi niya tapos parang nahihiyang ilabas ang mga ipin. Pagkalabas nung maliit na lalaki, pumasok na si crush sa cr.



I-lo-lock kasi namin 'yung cr pagkatapos nila kaya kailangan namin silang hintayin matapos. Nainip ata 'yung maliit na lalaki, kinatok niya si crush sa cr.



"Lawrence tagal mo, akyat na ako."
"Sandali tapos na."
"Bahala ka akyat na'ko."
agad tuloy lumabas si crush sa banyo.



Lawrence pala ang pangalan niya.


Nagpasalamat sila pagkatapos makigamit ng banyo. Nilock na ni Angge ang pinto ng cr at umalis na. Tinitingnan ko sila habang palayo, nagkukulitan pa sila. Nauunang maglakad si Angge sa akin dahil binabagalan ko para makita kung saang classroom sila pupunta. Doon pala sila sa katabing building ng grade 7. Ano kayang grade 'yon?



OMG! Ibig sabihin dito nga siya nag-aaral tapos panghapon din siya tapos Lawrence ang pangalan niya!!



Buti walang pumansin sa akin dahil sigurado ang lawak ng ngiti ko habang nakatingin sa labas ng classroom. Ang saya saya ko diary! Nakita ko na siya, nalaman ko pa pangalan niya!




Thank you thank you thank you so much Lord God! You're the best!




Kinikilig,
Katrina ♡




P.S: Bukas ko na lang hahanapin FB niya sa computer. Hindi ako pinayagan mag-open ni mama, gabi na raw kasi :(



--
maikee ~

Bawal BasahinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon