October 14, 2015
Dear Diary,
Ala una pa ang klase ko kasi pang hapon ako, pero ngayon maaga ako umalis ng bahay. 11 am pa lang naglalakad na ako papuntang school kahit walking distance lang.
Napaaga kasi 'yung pagligo ko ayan tuloy. Mabobored ako nito sa school lagot.
Nagulat ako nang makasalubong ko si Magi tapos sinabi niya may pinapaprint pala si Ma'am na tools and equipment sa TLE. Hindi ko alam may assignment pala. Ngayon pa lang siya magpapaprint, kasabay nang mga kaklase kong makikipa-print din sa kaniya.
Dahil siya lang mag-isa at makikisabay na rin ako sa pagprint edi nagpasama siya sa akin sa comshop malapit sa school.
Pagpasok ko pa lang sa pinto naramdaman ko na ang init sa loob. Kulob kasi dito tapos madilim pa.
Grabe kaya, nahihiya akong pumasok kasi rinig ko na ang mga lalaki sa loob ng comshop. Marami sila at maiingay, mga naka-uniform na puting polo tulad sa school namin.
Buti kasama ko si Magi. Binigay na niya ang usb sa taga bantay ng comshop at kinausap ito. Habang ang mata ko ay gumagala sa loob ng lugar.
Ang tagal naming naghintay sa loob ng comshop. Ang dami pala kasing nagbayad kay Magi para magpa-print isang buong section ata kaya marami ang nilalabas ng printer.
Wala tuloy akong choice kundi panoorin 'yung nilalaro ng mga lalaki sa monitor nila. Saksakan at barilan ba naman tapos ang lalakas ng boses nila may kasama pang mura.
Grabe tama nga si mommy piliin kong mabuti ang magugustuhan ko!
O M G
NAGKATINGINAN KAMI NUNG LALAKING NASA DULONG COMPUTER!!!
Nag-uusap kasi kami ni Magi tungkol sa role play kahapon, medyo napalakas ang pagtawa ko tapos saktong napalingon 'yung lalaki sa direksyon namin eh nakatingin ako sa monitor niya kaya nagkatitigan kami !!!!
KINIKILIG AKO DIARY!! AAAAA
ANG POGI NIYA. SINGKIT 'YUNG MATA NIYA BASTA POGI SIYA!!
Parang saglit na tumigil sa pagtibok ang puso ko nang magkatinginan kami. Parang literal na bumagal ang mundo at tumahimik ang paligid. Pati si Magi na nagsasalita at ang mga lalaki sa comshop ay biglang na-mute.
Ito ba 'yung love at first sight?
Oh my gosh. Ganito pala 'yun.
Hindi na siya lumingon ulit hanggang paalis na kami. Pero nakatingin ako sa likod niya kahit nung nagbayad na kami at pinagparte parte na namin 'yung mga papel.
Nag-thank you ako ng medyo malakas doon sa may-ari ng comshop para marinig nung lalaki na aalis na kami kahit busy siya sa paglalaro.
Sana makita ko pa siya ulit kaso pang-umaga ata siya kasi naglalaro siya sa comshop ngayong papasok ang panghapon.
Pero sana makita ko pa ulit siya sa school kahit isang beses lang.
Inlove,
Katrina ♡
--
maikee ~
Please understand na grade 7 pa lang po ang bida natin dito. Mababaw pa ang mind niya about love. Please stay para makita natin ang growth niya sa other chapters. Thanks
BINABASA MO ANG
Bawal Basahin
Teen FictionEpistolary (Diary Entries) Young outlook in love from Katrina, year 2015. Her highschool memories of admiring Lawrence, the 9th grader guy she saw inside a computer shop. Bawat pahina ay mula sa kaniyang puso, kaya naman bawal basahin!! Language: Ta...