P.10 - I.D

2 1 0
                                    

Nov 17, 2015


Dear Diary,


Ilang araw ko rin hindi nakita si crush. Bakit kasi may sabado at linggo pa, namiss ko tuloy siya. Tuesday na ngayon pero hindi ko siya matiyempuhan. Malamang hindi rin siya mahilig lumabas sa classroom nila.



Paulit-ulit na akong natingin sa room nila, pati na rin sa pathway baka sakaling dadaan siya. Wala pa rin talaga. Sana bukas makita ko man lang siya.



Alam mo ba diary, napagsabihan kami ng guidance councilor—na math teacher din namin tungkol sa pagsusuot ng sariling ID. Paano ba naman kasi 'yung mga kaklase ko pati mga ibang estudyante, iba iba ang suot nilang ID.



'Yung mga magjowa nagpalitan ng ID pati 'yung mga magtotropang babae nagpalitan din ng ID, kaya ayan napagalitan kami ng councilor kasi raw kahit i-confiscate ang ID pag late, ang hirap ilista at ibalik sa may-ari kasi ibang tao ang may suot.



Buti na lang ako ID ko talaga ang suot ko. May picture nga lang si Mark Tuan sa likod hihi.



Proud Got7 fan (ahgase),
Katrina ♡




--
maikee ~


don't forget to vote if you liked this chapter <3 thank u

Bawal BasahinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon