November 12, 2015
Dear Diary,
May nakita kaming nagsurprise na magshota sa school kanina. Naghihintay kami kanina sa tambayan— 'yung may puno na napapaligiran ng sementong upuan. Nandoon kami habang hinihintay mag-awasan ang pang-umaga. Nagulat kami nang biglang maghiyawan ang kumpol ng mga estudyante sa paligid tapos malakas na 'ayie'
Napalingon kami sa may pathway may isang babae na siguro higher grade. Nakasuot siya ng uniform namin— white blouse at dark green plain palda. Medyo nakaharang nga ang buhok niya sa right side ng mukha niya. Shaggy ang gupit no'n—bangs siguro, tapos may choker din siya sa leeg. May yakap siya na red teddy bear, three plastic red roses na siguro binili kay ate marleen, at isang garapon ng chocolate flavored na stick-o.
Lumipat ang tingin ko sa posibleng lalaking nagbigay sa kaniya ng mga 'yon. Nakasuot ito ng white t-shirt at brown slack pants (uniform ng school). May suot din siyang cap na parang transparent na may rainbow at brown na maliit na character bag, 'yung nakanganga na kita ngipin. Domo daw pala name.
Nakakakilig naman sinurprise siya tapos binigyan ng gifts. Kita ko ngang kinikilig si ate kaya naman nahihiya siyang harapin si kuya at panay ang tago niya sa mga kaibigan niya, na tinutulak din naman siya para nga kausapin si kuya.
Kapag kaya nagkaroon ng may crush sa akin or may boyfriend na ako, makakaranas kaya ako mabigyan ng ganyan?
I wonder,
Katrina ♡
--
maikee ~
don't forget to vote if you liked this chapter <3
BINABASA MO ANG
Bawal Basahin
Teen FictionEpistolary (Diary Entries) Young outlook in love from Katrina, year 2015. Her highschool memories of admiring Lawrence, the 9th grader guy she saw inside a computer shop. Bawat pahina ay mula sa kaniyang puso, kaya naman bawal basahin!! Language: Ta...