October 19, 2015
Dear Diary,
Tagal ko nang 'di nakakapagkwento sa'yo ano? Sorry na. Hindi ko alam kung nasabi ko na sa'yo na pang-hapon ang schedule ko. So ang pasok ko 12 pm kasi 1 pm ang start ng first subject namin tapos ang uwi ko na ay 5 pm. Kaya ayun pagkauwi ko ng gabi ginagawa ko na 'yung mga assignments namin tapos kapag 'di ko natapos, gagawin ko kinaumagahan.
Ilang araw na rin akong madalas tumitig sa mga tao, lalo na sa mga lalaki na napagkakamalan ko na lalaking nakita ko sa comshop. Nalulungkot ako kasi kahit saan ako lumingon hindi ko siya mahanap. Ang sad naman baka pang-umaga siya o hindi kaya hindi naman kami pareho ng school kasi naka-white t-shirt siya n'on, kaya siguro 'di ko siya makita sa school.
Ganito pala ang pakiramdam nang may crush. Hinahanap hanap mo siya.
Kailan kaya ulit kita makikita? Aking chinito.
Nalulungkot,
Katrina ♡
--
maikee ~
BINABASA MO ANG
Bawal Basahin
Teen FictionEpistolary (Diary Entries) Young outlook in love from Katrina, year 2015. Her highschool memories of admiring Lawrence, the 9th grader guy she saw inside a computer shop. Bawat pahina ay mula sa kaniyang puso, kaya naman bawal basahin!! Language: Ta...