Nov 20, 2015
Dear Diary,
Happy Birthday to me!
Hindi mo alam ano. Birthday ko ngayon!! 13 years old na ako.
Sorry pala kung tinulugan kita kagabi. Pagod talaga ako kaya nagurihan na kita tapos 'di ko na natapos 'yung kwento ko.
Ang saya ko kasi kinantahan nila ako ng Happy Birthday sa room kanina. Binati rin ako ng mga kaklase ko. Tapos 'di ko ine-expect niregaluhan ako ni Lyn ng Fudgee Barr, binili niya sa canteen nung recess tapos binigay niya sa akin pagbalik niya sa room. Ang sweet. Si Magi naman nilibre ako ng C2 solo. Aww ang babait nila.
Tumambay ako sa upuan ni Mommy Jan sa likod. Beki siya na malinis sa katawan tapos hindi pagirly pero neat. Nanonood kami ng mga KPOP music video at stage performances na nakadownload sa cellphone niya. Nakakatuwa nga puro Girl's Generation pinapanood namin. Bias niya si Tiffany, ako naman si Sunny.
Kaming group 1 ang nakatoka ngayon sa paglinis ng cr. Si Angge ang naglilinis, ako naman ang taga-igib at magbabanlaw. Sinulyapan ko ang room nila Lawrence. Napangiti ako kasi nasa corridor sila at nagpapaltikan ng panyo ng kaklase niyang lalaki.
Pagkatapos maglinis tawang-tawa ako kay Magi kasi sumayaw ba naman ng Watch me whip watch me nae nae sa pathway. Paulit-ulit niyang ginawa 'yun, nahiya na siya nang pangatlong beses kasi dumaan si Ma'am Dinglasan.
I'm so happy diary!!
Happy birthday to me,
Katrina ♡
--
maikee ~
don't forget to vote if you liked this chapter! thank u <3
BINABASA MO ANG
Bawal Basahin
Teen FictionEpistolary (Diary Entries) Young outlook in love from Katrina, year 2015. Her highschool memories of admiring Lawrence, the 9th grader guy she saw inside a computer shop. Bawat pahina ay mula sa kaniyang puso, kaya naman bawal basahin!! Language: Ta...