Part 2

334 9 2
                                    

Danerie's POV

Haysss natakasan rin ang multong yun, bwisit na third eye to bigla bigla na lang bumubukas

Buti na lang nakaarte akong walang alam don, kundi mangungulit na naman hayssss self need mo na talagang ma differentiate ang living sa mga kaluluwa

"Oh kuya dj andyan kana pala, bat parang nakakita ka ng multo?" Tanong ni mama, tsk tong si mama naman parang bago ng bago

"Ma alam mo namang nakakakita talaga ako" sabi ko dito sabay salampak ng pwet ko sa upuan.

"Hahahahaha siguro kinukulit ka na naman no? Magdasal ka lang lalayo rin yun" ika ni mama.

"Ma natawag ko na lahat ng santo kanina, di parin sya nawawala. Dati naman ganun lang ginagawa ko pero ngayon ang kulit buti nga naligaw ko eh kundi susundan  ako non dito" sabi ko tumakbo naman yung maliit kong kapatid sakin

"Naku kuya, andito ba sya?" Natatakot na wika ni chrislyn hahahha, kinuha ko sya at kinandong ko

"Wala,  di ako magdadala ng ganun dito wag ka mag alala." Wika ko sa kanya.

Paminsan na lang rin kasi ako umuwe dito sa bahay, tuwing weekends na lang kasi nga subsob sa trabaho. Hinayaan na rin naman na ako ni mama na mag dorm para raw maging independent ako hahaha..

"Pero kuya ah, kung ako sayo papasara ko na ng tuluyan yan nakakatakot" sabi ni mama at kinuha si chrislyn sakin

Papatulugin nya na siguro at gabi na rin kasi.

Napatingin naman ako sa mga litrato sa ibabaw ng telebisyon. Dahil sa sayo kaya ayokong pasara to, pero bakit di kayo nag papakita sakin?

My father died when chrislyn was born, inatake sa puso sa sobrang galit madalas kasi sila mag away ni mama noon.

Di ko rin naman kasi masisisi si mama dahil napakalasingero rin ni papa. Sino ba namang di magagalit diba?

Pero kahit ganun yun, mahal ko yun tatay ko yun eh. Haysss siguro nakatawid sya ng maayos kayat di na nagpaparamdam.

Umakyat na ako sa kwarto upang mag pahinga. Natapos na rin ako maglinis ng aking katawan. Kaya nahiga na rin ako.

Habang nakahiga di mawala sa isip ko yung mukha ng multo na yun kanina. Sa totoo lang di talaga sya mukhang multo.

Kaya nga ako nag sorry sa kanya eh, pero pucha usually kasi ang multo medyo faded na yan, alam mo yun papunta na sa black and white mga kulay.

Pero kanina sya, totoong totoo mukha syang buhay.. naconfirm ko lang na multo sya nung tinawag nya ako uli.

Ganun kasi talaga sila pag nalaman nilang may nakakakita sa kanila nako talaga namang hahabulin ka at mag papatulong na makatawid sila.

Kala ko dati di totoo yung mga ganung bagay, na gawa gawa lang ng mga matatanda. Talaga pa lang nagkalat  sila sa mundong ibabaw. Nag aantay ng liwanag.

Sa totoo lang gusto ko talaga tumulong sa kanila, pero pinigilan ako ng mama ko masyado raw delikado totoo naman di mo rin kasi alam kung masama o mabuting multo ba yung matutulungan mo.

Kaya sayo na multong sumusunod sa akin kanina sana makakita ka ng taong matutulungan ka talaga. For sure pagod kana.

The Glimmer of YouWhere stories live. Discover now