Part 20

207 10 4
                                    

Kiel's POV

ilang buwan na simula nung mawala si venus at hanggang ngayon, di parin namin sya mahanap nag aalala na nga ako kay danerie dahil lagi na lang tulala at minsan di na rin kumakain


"are you sure okay lang si sir danerie, sir kiel?" tanong ni gail isa sa mga under ko, nakatingin kasi kami kay danerie from outside his office and danerie? nakatitig lang sa venus globe nya


"okay lang yan, eh bat ba kasi sya ang tinatrabaho mo? ayusin mo yang work na binigay ko" pagsusungit ko sa kanya. 


hilig maki marites eh, pumasok ako sa office ni danerie pero di nya ako tinignan, nakatitig parin sya dun sa globo. 


"danerie?" sabi ko at winave ko yung kamay ko sa harap nya nakuha ko naman yung atensyon nya 


"oh pre bakit?" sabi nya sabay ayos ng upo. 


"alam kong di ka okay pero pre andito naman tayo sa trabaho" sabi ko sa kanya. 


Danerie's POV

"alam kong di ka okay pero pre andito naman tayo sa trabaho" sabi ni kiel


napayuko naman ako at alam kong nag uunder perform na ako, hays minsan nga yung ibang trabaho ko si kiel na gumagawa


"pasensya kana pre, di ko lang talaga alam bakit nagiging ganito ako" sabi ko sa kanya tumango naman sya at nilapitan ako


"naiintindihan ko pre, pero sana kayanin mong ibalance yung work and personal life mo. makikita rin natin si venus wag kang mag alala" sabi nya. 


haysss kung wala si kiel malamang sa malamang tanggal na ako sa trabaho ilang beses na nya ako niligtas sa mga crucial na tanong ng supervisor pati na rin sa mga work na di ko nagagawa sya na gumagawa


"ano gusto mo libre kita" sabi ko sa kanya at nag ningning naman ang mga mata nya nako po mali ata tanong ko ah


akmang sasagot na sya nang biglang pumasok si mang joselito sa office ko, wow ang aga naman nito 


"oh mang joselito bakit po ang aga nyo ata" sabi ko sa kanya


"panget naman ng timing mo mang joselito eh!" reklamo ni kiel natawa naman ako sa reaksyon nyang yun. 


"aba pasensya na, maaga lang ako pumunta dito dahil gusto ko lang batiin ka danerie" sabi nya at nagtaka naman ako sinabi ni mang joselito dahil di ko naman birthday


"batiin? bakit po?" takang tanong ko sa kanya


"si venus, congrats kasi naktia mo na ang katawan nya ikaw ah di mo pa sinasabi sakin" napatayo ako sa narinig ko  di ko alam kung anong magiging reaksyon ko nagmamanhid bigla ang buong katawan ko


"bakit pre? anong nangyare?" nagtatakang tanong ni kiel 


"si venus raw pre" yun pa lang ang nasasabi ko pero nag simula na akong umiyak. 


"mang joselito saan mo nakita si venus?" sabi ko habang umiiyak bakas naman ang gulat sa mukha ni kiel sa sinabe ko 


"dito sa building na to, sa opisina na to, hindi mo ba alam? eh nakita ko sya eh bumababa sya kasama pa nga nya si ano eh ano nga pangalan non" sabi ni mag joselito at nag iisip 


"nakita nya raw si venus dito pre, sa office dito sa building na to" naiiyak na sabi ko kay kiel


"huh? eh ? bakit di  natin sya nakikita" takang tanong ni kiel


"ayun si von! si von ang kasama nya nun lumabas si venus sa kotse ni von" nag pintig ang tenga ko sa narinig ko 


von? why? bakit kasama mo si von mahal ko? anong ginagawa mo kasama sya? masaya ako at okay ka na pero bakit si von? wala akong maintindihan gulong gulo na ako, dito kana sakin mahal ko balik kana please.

The Glimmer of YouWhere stories live. Discover now