Part 10

237 11 2
                                    

Danerie's POV

simula noong nalaman namin na there's a chance na coma lang ang katawan ni venus, halos di na ako makatulog kakahanap ng mga accidents news. pero kahit anong gawin at hanap ko wala talaga akong nakikita. 


"pre nga pala okay na yung resort na nirent nila edward na approved na rin leave natin" sabi ni kiel kanina pa kasi to andito sa office wala naman na daw syang trabaho at tapos na


"ah edi goods nextweek na pala yun no" sabi ko sa kanya


"yes, andito ba si venus?" seryosong tanong nya 


"wala nag pa-iwan sa condo bakit?" tanong ko dahil baka mamaya may nakita syang pwedeng makatulong samin


"wala naman pre, pero seryoso ka ba sa kanya? i know na pagusapan na natin to pero are you sure with her?" seryosong tanong ni kiel. 


"pre naman, alam kong mukha akong tanga na nagkagusto ako sa isang tulad nya pero wala eh di ko naman pwedeng pigilan yung nararamdaman ko kasi kung pwede hindi ko rin gagawin ngayon lang ako naging masaya ng ganito kiel, alam mo yan" 

"college pa lang tayo marami na kayong babaeng nirereto sakin pero in some reason di ko talaga sila magustuhan at di ko alam bat ang bilis ko mahulog kay venus"  pagpapaliwanag ko sa kanya


"oo pre wala kang kasalanan kung bakit ganyan ang nararamdaman mo ngayon, kung masaya ka dyan susuportahan ka naming lahat sa desiyon mo"  kiel


di ko alam pero ayokong mapalayo kay venus parang ang sarap nya mahalin hindi pala parang kasi masarap talaga syang mahalin. 


"sasama mo ba sya next week ?" tanong ni kiel. mag geget away kasi kami next week simula college kami yearly kaming lumalabas to bond


"oo naman wala naman syang makakasama sa bahay" sabi ko at tumango lang rin si kiel. 


mabilis natapos ang oras at nag mamadali na akong nag ayos ng gamit para makauwe na rin. nakarating rin naman ako agad sa unit ko dahil di naman talaga kalayuan ito sa opisina


"venus?" tanong ko at nakita ko syang nakahiga sa sofa, agad  ko naman syang nilapitan at pinagmasdan, how can you be this beautiful venus? 


"ganda ko no?" sabi nya at biglang dumilat ang kanyang mga mata


"sobra! kala ko natutulog ka" sabi ko habang inaayos ang upo nya para mayakap sya "i miss you" 


"i miss you too!" masiglang sabi nya "did you take your dinner na?" tanong nya sakin 


"di pa nga eh, i will just cook egg na lang" sabi ko dito at nag reready na akong umakyat para mag bihis


"egg na naman? cook something real naman sir! i saw your fridge and may laman naman" sabi nya at nakapamewang pa nga


"hahahaha di ako marunong mag luto" 


"i can cook! tuturuan kita!" masayang sabi nya. 


"marunong ka?" tanong ko sa kanya bigla namang nag bago ang pinta ng mukha nya na wari bang nagtatampo na


"hala im sorry, joke lang eh" sabi ko at yinakap ko sya agad. 


"hahahaha alam ko joke lang rin hahaha, sige na bihis na at nang maumpisahan na natin mag luto" sabi nya 


kiniss ko sya sa pisnge at kitang kita sa mata nya na gulat na gulat sya kaya tumakbo na ako paakyat papunta sa kwarto ko. 

thank you venus for coming in to my life. sobrang saya ko talaga that you're with me.


The Glimmer of YouWhere stories live. Discover now