Part 25

245 10 0
                                    

Venus's POV

nakausap na nga ako nang doctor at sinabing makakalabas na rin ako agad dahil wala na nga raw nakitang mali sa mga tests nila sakin and need ko na lang mag pahinga. 


"baka naman matunaw ako nyan" sabi ni danerie na ngayon eh pinagbabalat ako ng mansanas


"i just cant believe na here you are, thank you" sabi ko sa kanya at tinignan nya ako at nginitian


"no more alis ah" sabi nya at sinubuan ako ng mansanas


"eh? ikaw nga nang iwan eh" sabi ko sa kanya totoo naman eh iniwan nya ako dun ang dilim kaya


"ha? eh ikaw nga nang iwan" sabi naman nya


na alala ko naman uli yung naging usapan namin dun sa madilim na lugar

*flashback*

"sino ka?" tanong ko sa kanya natawa naman sya sa tanong ko kaya napakunot ako ng noo


"hahahaha grabe napakasungit kahit kelan" sabi nya at hinawakan nya kamay ko at hinila nya ako 


nakarating naman kami sa isang lugar na may ferris wheel inaya nya akong sumakay at sumakay rin naman ako. 


"dito nag simula lahat" pag basag nya ng katahimikan


"lahat?" tanong ko sa kanya ngumiti naman sya at hinayaan ko na syang mag kwento 


"ako nga pala si Danerie, we've been together isang taon rin tayong nag mahalan hanggang sa na aksidente tayong parehas" sabi nya at ngumuso naman sya sa harap 


may parang mga image na nag fform at kitang kita ko doon ang sarili ko at itong si danerie, masaya kaming dalawa at close na close masasabi mo ngang mag karelasyon kami. 


"lumindol at bumigay yung sinasakyan nating ferris wheel parehas tayong nagkaron ng head trauma pero mas malala yung nangyari sayo" 

"nagising na ako from accident pero ikaw you're still in coma" kwento ni danerie


nag iba naman yung image na kikita ko sa harap ko at naktia ko ang sarili kong nakahiga sa isang hospital bed at kitang kita ko ang pamilya kong umiiyak.


"hanggang sa nag gala yung kaluluwa mo, i will call it tadhana that your soul met me" 

"you asked for help so i did help, but i didn't know that i will  fall for you so did you" sabi nya at nginitian nya ako, shocks! ang gwapo naman 


nagbago naman yung image and nakikita ko na yung mga paglabas labas namin, ang sweet naman sabay pang mag tingin sa mga stars. 


"cute natin no? kaso bigla mo akong iniwan, bigla kang nawala. ayun pala bumalik kana sa katawan mo" sabi nya


"hanggang sa nasaktan ka, at eto ka na naman" sabi nya at kumakamot kamot pa sa ulo nya hahaha ang cute naman nito 


"tatandaan mo venus, na mahal na mahal kita wala akong ibang pinagdadasal sa may kapal na makita kang muli" sabi nya at hinawakan ang kamay ko 


"bumalik kana don mahal ko" sabi ni danerie at nginuso na naman nya yung harap, nakita ko na naman sarili ko sa hospital pero this time nasa tabi ko  na sya 


"eh? ayokong iwan ka" sabi ko naman sa kanya


"di mo naman ako iiwan eh" sabi nya sakin at hinalikan ang pisnge ko pagkatapos non pag harap ko sa kanya bigla na lang syang nawala. 

*end of flashback*


"ano masarap ba yung apple?" tanong nya sakin 


"yessss yummers!" sabi ko sa kanya


"syempre ako nag balat eh hahahaa" sabi nya natawa naman ako don


nang biglang may pumasok sa kwarto si mama, tinawagan kasi sya ni danerie kanina 


"anak ko" sabi nya at yinakap ako 


"im glad you're okay anak" sabi ni mama


yinakap ko rin sya at nakatingin lang samin si danerie, and he mouthed the word i really wanna hear 


"i love you" 


nginitian ko naman sya, thank you Lord that everything is okay na! i love you too danerie thank you sa lahat. 

The Glimmer of YouWhere stories live. Discover now