Part 9

233 11 3
                                    

Venus's POV

kanina pa ako umiiyak dito at etong si danerie eh sinukuan na ko, di ko alam bakit rin ako naiiyak eh. naguguluhan rin ako sa nangyayari sa akin. 


"san ka pupunta?" tanong ni danerie napatingin ako sa kanya pero di ko sya kinibo at lumabas na ng tuluyan. 


as if naman may pupuntahan akong iba eh sya lang naman alam kong makakatulong sakin. 

ramdam kong sinusundan nya ako ng tingin pero dito lang naman ako sa may pantry pupunta baka kasi andito si mang joselito gusto ko lang may makausap at ayokong kausap si danerie ngayon. 


"oh venus kamusta?" masayang bati sakin ni mang joselito pero  nawala rin ang ngiting yun nung nakita nya akong nakasimangot.


tumingin naman ako sa opisina ni danerie at nakita kong nakatingin rin sya sakin andon na pala si kiel kinakausap sya pero sakin parin sya nakatingin.


"hahahaha okay lang ba kayo?" tanong ni mang joselito tumingin ako dito at seryoso na ang kanyang mukha


"alam mo ba ang pinapasok mo venus?" tanong sakin ng matanda wari bang alam na nya ang nararamdaman ko kahit wala pa akong sinasabi sa kanya


"mahirap mag mahal lalo na't buhay na buhay pa yang si danerie" pag papaalala sakin ni mang joselito


"dahan dahan naman po masakit kaya" sabi ko at nagpipigil ng luhang pilit gustong bumagsak, pinaupo nya ako sa tabi nya at umupo naman ako


"ayokong saktan ka venus pero kaylangan natin harapin ang katotohanan. masyadong mahirap yan" 

"kelan mo pa yan nararamdaman?" seryosong tanong nya sakin


"simula po nung nagkakasama kami, ikaw po ba nakakaramdam ka pa na parang bumibilis ang tibok ng puso mo?" tanong ko sa kanya. napahinto naman sa pagkakape si mang joselito sa narinig nya


"ha? anong tibok? wala, wala ka na nga dapat nararamdaman eh, kaya nga sinabe kong mahirap yan. patay ka, buhay sya pero nakakaramdam ka ng pagtibok?" tanong nya sakin at tumango naman ako


"sa dami kong nakausap na kaluluwa una ka pa lang na nag sabi nyan."


"teka, hindi kaya?" sabi ni mang joselito at biglang tumakbo sa opisina ni danerie. 


bwisit rin tong si mang joselito eh badtrip rin kausap eh, ako kausap biglang pupunta sa ulupong na yun. pero pagkasabi na pagkasabi ni mang joselito kay danerie nung iniisip nya napatayo si danerie at napatingin sakin.


para ba akong hinihila ng mga mata nya. di ko makontrol sarili ko at andito na ako sa harap nya at ni kiel


"venus" naiiyak na sabi ni danerie wait ano ba yun? 


"ano po ba yun mang joselito?" tanong ko dito pero di nya ako pinansin, si kiel naman  parang nagtataka na rin 


The Glimmer of YouWhere stories live. Discover now