Part 26

450 32 15
                                    

Danerie's POV

simula noong nakalabas si vee sa hospital halos di na kami mapag hiwalay, nakaisip na rin kami ng way para di na kami mag work, yung mga naipon ko ginamit namin para sa negosyo. kahit papaano may isang maliit na water station na kami 


and yung tatay nya? tuluyan nang nakulong dahil marami rin palang illegal na ginagawa ayoko na lang isa isahin. buti na lang at naka alis  na sila don. 


vee is staying with me sa condo ko, ayaw nya kasing pumayag na umalis sa tabi ko, well di rin naman ako papayag na umalis sya sa tabi ko. hehe


"babe aalis lang kami nila kiel ah" sabi ko sa kanya 


"san kayo pupunta? sama ako" sabi nya at nakanguso na nga


"di ka pwede don mapapagod ka bawal ka mapagod" sabi ko sa kanya at tuluyan na ngang sumimangot 


bigla namang may nag door bell at pag bukas ko si mama kasama ni chrislyn YES!  sakto ang dating hahaha


"hello kuya! ate vee, dalaw lang kami" sabi ni mama nakipag beso naman ako sa kanya at nakipag beso rin si vee sa kanya


"ma samahan mo muna si vee ah aalis lang ako saglit dito rin ako mag didinner" sabi ko at dali dali na akong lumabas. nakatakas rin!


Venus's POV

"san ba yun pupunta at nagmamadali?" tanong ni tita sakin, hmp ewan ko dyan sa anak nyo! 


"di ko po alam tita may babae na ata yun" sabi ko at napansin nyang nakasimangot ako 


"mamaya yan sakin pag uwe" sabi ni tita halatang nagagalit na sya OMG!


nag luto lang ako ng dinner namin since andito si tita che at nag text si mama na dito sya mag didinner dinagdagan ko na ang niluto ko. 


matapos ko mag luto dumating na si mama galing work kasama si eyon, nag uusap lang si mama at tita che si eyon naman si chrislyn ang kalaro. 


bumukas ang pinto at niluwa nito si danerie kasama yung mga bugok nyang kaibigan hahahaha. 


"hoy danerie! mag usap nga tayo" agad na sabi ni tita che at piningot ang tenga nya palabas sa terrace


lahat kami nagulat at mabilis na usap lang at bumalik na sila si tita che naman nakangiti na, parang kanina lang kampi kami ah! 


Danerie's POV

ibang klase naman tong nanay ko at talagang inisip nilang may babae ako ah, tinignan ko si vee at umiwas sya ng tingin hahaha nag tatampo parin. 


hinatak ko sya papunta sa kwarto namin para makapag usap kami. 


"wag kana magalit mahal" sabi ko sa kanya at nakasimgot parin sya


"bat kasi di mo ako sinama?" galit na sabi nya


"mapapagod ka nga kasi" sabi ko sa kanya. 


"mapapagod? andon ka naman ah di mo naman ako papagudin" sagot nya, well may point sya 

"siguro may iba kana no?" pahabol nya


"iba? tsk, wala akong iba di ako magkakaron ng iba, ikaw lang ang mahal ko wala nang iba" sabi ko sa kanya at yinakap sya


"promise?" tanong nya 


"promise" sabi ko at hinalikan ko sya. 


nang matapos kami mag usap lumabas na kami nang kwarto pero napatigil sya, tinignan ko yung tinitignan nya at napangiti ako. 


Venus's POV

ako naman pala ang mahal eh, hehehe praning lang? pagtapos naming mag usap nauna na akong lumabas pero napatigil ako sa nakita ko. 

lahat sila nakaharap sa akin, hawak hawak yung banner na nag sasabing

"Will You Marry Me?" 

nagsimula nang pumatak nag luha ko at nilingon ko si danerie at nakaluhod na sya sa harap ko


"tutuparin ko lahat ng pangako ko sayo venus, mamahalin kita, hindi kita iiwan habang nabubuhay ako hanggang sa kabilang buhay ikaw at ikaw lang. Venus Villaluna will you marry me?" tanong ni danerie at nakita kong nag simula narin syang umiyak 


tumango ako at sinabing "oo naman" 


mabilis nyang nilagay ang singsing sa aking kamay at hinalikan ako, binalik ko ang halik sa kanya at nagpalakpakan naman silang lahat. 

yinakap nya ako at yinakap ko rin sya


"i love you so much vee" malambing na wika ni danerie


"i love you too danerie" sagot ko sa kanya


habang buhay na tayong mag kasama, hinding hindi ako mag sasawa sayo danerie sana ganun ka rin sakin, marami man tayong pinag daanan, pilit man tayong pinag hihiwalay ng ibang tao. kakampi natin ang tadhana at paglalapitin parin tayo. hinding hindi na tayo mag hihiwalay


eto na ang simula ng pamilyang parehas nating pinapangarap, maraming salamat danerie! mahal na mahal kita. on to the next! 


FIN. 


(a/n: YEHEY! thank you sa lahat ng readers nitong munti kong storya! thank you sa support! press one lalatag ko na agad new story hahaahaha thank youuu! i love you all! )

The Glimmer of YouWhere stories live. Discover now