Part 21

188 11 1
                                    

Danerie's POV

pagkatapos kong malaman na kasama ni von si venus, pumasok ako ng maaga para makausap sya. this is the only way para makita ko uli si venus. 


"sino ba inaantay mo sir?"  tanong nung guard dito kasi ako nakatambay sa desk nya


"ah si von" sagot ko naman sa kanya.


"nako sir hindi na dito dumadaan yun simula nung na promote, sa garage na po" sagot ni manong guard sakin


what the fuck? garage? ano ka CEO? there's something going on talaga


"oh pre bat andyan ka?" andito na pala si edward hinatak ko naman sya papunta sa labas


"tarages ka naman pare malulukot damit ko" sabi ni  edward habang nag pupumiglas


"pre makinig ka" sabi ko kay edward pagpunta namin sa labas, ayoko kasing may makarinig samin


"ano yun? labo mo eh, sasama naman ako sayo eh, lukot tuloy wawa naman bebe ko nag plantsa eh" sabi ni edward kelan pa to nag ka bebe? 

(a/n: oh sino gusto maging bebe si edward? wala ako maisip na pangalan hahaha) 


"bebe? teka nga! gulo mo eh! i need to confirm something" sabi ko sa kanya, nakakunot naman ang noo nya


"sabi ni mang joselito kahapon nakita nyang bumaba ng kotse ni von si venus, then ngayon inaantay ko si von pero sabi ni manong guard sa garage na sya dumadaan" sabi ko sa kanya


"ahh ano sya CEO?" sabi ni edward, nanlaki naman mata nya nang marealize nya sinabe ko 


"i want the CEO information pre, may kaylangan lang akong iconfirm sa mama ko" sabi ko naman sa kanya


tumango naman si edward "ako bahala pre, sabay sabay na lang tayo papunta sa inyo mamaya text na lang kita"


tumango naman ako at nagpasalamat sa kanya, umakyat naman na ako sa office ko para mag work na rin wala na rin kasing point kung aantayin ko sa employee entrance si von eh hindi naman sya nadaan don. 


natapos ang duty namin at nagtext si edward na nasa tapat na sila ng office, dali dali kaming bumaba ni kiel at sumakay sa sasakyan nya. 


"ano ba kasi icconfirm mo pre?" tanong ni hadji 


"basta mamaya mahirap iexplain" sagot ko naman sa kanya, nag kipit balikat naman sila kaya nanahimik na rin sa sasakyan.


ewan ko ba pero may something sa CEO na di ko alam, von promotion is not HR decision so sino lang ang makapangyarihan na makakagawa non? CEO right? and why? 


nakarating naman kami agad sa bahay nagulat pa nga si mama andito ako kasama pa mga kaibigan ko


"kuya naman sana nag sasabi ka wala pa tayo pagkain eh sana nakabili man lang ako" nahihiyang sabi ni mama


"okay lang po tita aalis rin naman po kami, makulit lang tong anak nyo eh" sagot ni edward 


"ma do you know him?" tanong ko kay mama at binigay yung pictures and files na nakuha nila edward


"san mo nakuha to kuya? eto si Mark Villaluna ang ama ni venus, san mo sya nakita?" tanong ni mama. i knew it!


"sya yung CEO nang pinapasukan kong company ma" pagpapaliwanag ko 


"pero bakit wala sa files na to si venus? eto si eyon natatandaan mo ba sya kuya? madalas kalaro mo yan pag andito si venus, kasama etong mama nilang si Liza"

"dahil boto nga sayo etong si Liza kapag pupunta si venus dito sinasamahan nya na at sinasama nila si eyon para di mag isip tong si Mark" tuloy tuloy na sabi ni mama


"wait! so meaning totoo nga yung nakita ni mang joselito? na von and venus are together?" singhal ni kiel


"sabi ko na eh! may iba talaga sa gagong yun!" sabi naman ni hadji 


"pero paanong nag meet sila ni venus?" tanong ko naman sa kanila


"OH SHIT! remember hadji sir erik ask you na sumama sa kanya sa bahay ng CEO pero you refuse kasi may lakad ka" tuloy tuloy na sabi ni edward


"ah oo nga! na aalala ko na, teka diba sabi mo ikaw ang sasama?" sagot ni hadji sa kanya


"pre magaspang nga ugali non ni von, kasi sinabihan nya akong inutos daw ni sir erik na sya na lang sasama, eh nung nagkausap naman kami ni sir erik bat daw di ako sumama buti daw andon si von. sip sip pala ang tanga" sagot naman ni edward


"so sa bahay nang CEO nya na meet si venus" sabi ko naman


why von? how? alam mo bang connected sila? paano mo nakuha si venus? PAANO??!!

The Glimmer of YouWhere stories live. Discover now