Part 8

226 11 3
                                    

Venus's POV

kanina ko pa inaantay lumabas si danerie sa kwarto nya kasi  anong oras na rin di ba to papasok? kanina kasing lumabas yung venus di rin sya gumising. 

ano kaya nangyari sa kanya? hmmm. WAIT TEKA! PAANO KUNG BINANGUNGOT NA SYA?!

dali dali akong umakyat at nakinig muna ako sa labas ng pinto nya pero wala talaga ako marinig, napagdesisyunan kong pumasok at dun ko nakita ang isang danerie na nakahiga at sobrang himbing ng tulog. 


"veeee" ungol nya .


lumapit naman ako sa kanya para marinig kung ano pa yung sasabihin nya, pero wala naman na uli syang sinabe, vee? bee? nanaginip siguro sya ng bubuyog. 

bigla namang tumunog yung alarm clock nya at bumukas yung dalawang mata nya. 


"ANAK NANG! ANONG GINAGAWA MO DITO?!" di ko alam kung galit sya o gulat lang syang may multo sa harap nya pag gising na pag gising nya. 


"eh? nag alala lang naman ako bakit di ka pa nabangon eh, mag tatanghali na kala ko kung napano kana kaya pumasok na ako" singhal ko sa kanya, bigla naman syang nahimasmasan


"ah ganun ba? night shift ako ngayon kasi marami akong gagawin" sabi nya at pumasok sa banyo "oh wag kang papasok dito ah! kahit gano katagal ako dito wag kang papasok!" awtorisado nyang pahayag.


tinarayan ko lang sya at lumabas na ako ng kwarto nya. anong pinagkaiba ng morning shift at night shift sa workload nya? eh same working hours lang naman yun. hmp. 

nauna na akong umalis sa kanya at di na rin ako nag sabi na aalis ako, dahil naman kasi ikaw na nga nag alala sya pa galit malay ko bang night shift sya ngayon tsk. 

biglang lumakas ang tibok ng puso ko at di ko alam pero parang nahihirapan ako huminga osht! wala pa naman si danerie ano tong nangyayare sakin? 


Danerie's POV 

pagkatpaos kong maligo lumabas na rin ako agad ng banyo inaasahan kong andito pa sa kwarto ko si venus pero wala na sya siguro bumaba na. 

nag ayos lang ako ng gamit at nag suot na rin ng damit kong pamasok, siguro dun na lang ako mag aalmusal. 

di talaga ako night shift sadyang di lang ako nakatulog kagabi kakaisip sa kanya, 4am na ako nakatulog at buti hawak ko ang oras ko sa office kaya napag desisyonan kong mag night shift na lang. 

pagbaba ko hinanap agad ng mata ko si venus pero di ko sya makita "venus? san ka?" tanong ko pero wala parin. 

lumabas ako sa terrace at wala naman sya don, nakasara ba third eye ko? " kung andito ka venus pagalawin mo ang baso" hahahaha tawang tawa pa ako pero wala talaga. 

what the, san na yung babaeng yun? galit ba sya dahil sa inasta ko kanina? well sya naman rin kasi may kasalanan kung bakit ako late nagising eh ayaw nya umalis sa isip ko. 

hinanap ko sya ng mabuti sa loob ng condo ko pero wala talaga maski sa rooftop wala rin sya papunta na ako ng parking nang biglang tumawag si kiel. 


Kiel: bossing! andito ata si venus sa office mo natambay lang naman ako dito kasi break ko na pero biglang lumamig

Danerie: ah ganun ba sige papunta na ako dyan

Kiel: LQ ba kayo? kanina pa kasi nilalaro yung halaman dito pucha danerie natatakot na ako.


binaba ko na yung call at nagmadali ng nag motor papunta sa office, so galit ka nga? sorry na nga eh. 


"good afternoon sir, nagmamdali ka ata ah" bati sakin nung guard


nginitian  ko lang sya at nagmadali ng umakyat, bat ka naman naninira ng bulaklak dyan vee? 


"nako buti andito kana danerie" sabi ni kiel na putlang putla


"takot na takot ka naman dyan" singhal ko at dali dali na akong pumasok sa office ko, di ko na nga pinansin yung mga bumabati sakin dahil dali dali akong pumasok at nilock yung pinto


"venus! ano ba yan" sabi ko pagpasok na pagpasok ko pero napatigil ako nang makita ko sya sa isang sulok at umiiyak. 


napatakbo akong lumapit sa kanya at lumuhod sa harap nya.


"what's wrong?" tanong ko sa kanya pero di nya ako sinasagot.


am i too harsh to you? di ko alam gagawin ko, di ko alam kung anong dapat kong gawin kapag kaharap kita nanghihina ako, pag andyan ka sa tabi ko wala akong gustong gawin kundi tignan ka lang, kapag di kita kasama di ka mawala sa isip ko.


tell me vee what should i do? im too scared to lose you. 

The Glimmer of YouWhere stories live. Discover now