Part 18

196 12 6
                                    

Danerie's POV

ilang linggo na rin ang nakararaan simula nung mawala si venus nang parang bula, andito kami ngayong magkakaibigan sa condo ko, tuwing weekends dito na kami umiinom dahil wala rin ako sa mood to hang out outside. 


"alam mo pre marami pa namang babae dyan totoong tao pa" sabi ni von, kasama namin sya dito kasi nga kaclose naman na rin nila edward pero kami ni kiel? tsk never. 


"tumigil ka nga, sagutin mo yung cellphone mo kanina pa may natawag" sabi ni kiel, kagagaling nya lang banyo at nakita nya siguro yung phone ni von sa lamesa


agad namang tumayo si von at kinausap yung tumatawag, maya  maya pa eh bumalik na sya at nagpaalam na aalis na hinahanap na raw sya ng girlfriend nya, pshh di naman na rin namin sya pinigilan at hinayaan ng umalis na sya. 


"pag pasensyahan nyo na yun ah, alam kong ayaw nyo don pero kasi kawawa rin sa trabaho kaya hinahayaan naming sumama samin" sabi ni hadji tsk kala ko di nila ramdam na magaspang ugali non eh


"nagtataka na nga ako sa inyo bat sinasama nyo yun" sabi naman ni kiel


"eh paano loner na loner sa office kawawa naman" natatawang sabi ni edward. 


ewan ko ba simula nung naging vocal syang may gusto sya kay venus eh nawalan na akong ganang makipag kaibigan don, biruin mo ka MU na ng friend mo susulutin mo pa.


"pero grabe ah nabalitaan mo ba edward, nakausap ko kasi si sir erik and nagtatanong kung may maganda bang nagawa ni von" sabi ni hadji naging seryoso naman si edward


"huh? wala naman, sakto lang bakit? wala akong nababalitaan don eh busy ako sa desk ko" sabi ni edward 


"ayun nga pre, nagtataka si sir erik paano daw na, na promote sa upper office yon" seryosong sabi ni hadji 


"ayun lang, mukhang marunong mag magic kuya nyo von ah" natatawang sabi ni kiel.


sa  upper office kasi lahat ng office ng executives, lahat ng andon mataas na talaga ang posisyon, lahat ng head, supervisors executives even the COO and CEO office andon. kaya nakakapagtaka nga. 


"wala pa syang one year diba?" tanong ko 


"wala pa pre, si mam sandra nga nalulungkot eh 10 years na syang nasa HR di pa sya nappromote don" sabi ni hadji 


"something fishy ah, kelan naman sya lilipat sa taas?" tanong ni edward


"next week pre, ewan ko pre. if sir erik is confuse theres something wrong" sabi ni hadji. 


hayys kala ko naman walang palakasan culture sa company na yun. maganda naman sila magpalakad pero bat ganun? 


"pero malay mo naman may ginawang maganda talaga, lets give him a benefit of the doubt" sabi ko  sa kanila. tumango naman sila at uminom  na lang


ayoko naman kasing mangelam sa buhay nang may buhay, pero kung mapatunayan talagang may di magandang nangyare o may palakasan lang talaga eh ako pa mag aya sa mga employee na mag welga kami

unfair kasi sa mga taong matagal na don, kagaya ni mam sandra na sinasabi ni hadji biruin mo 10 years tinalo ng 5 months, ni hindi pa pala regular si tanga na promote na. 

tumayo ako at pumunta sa terrace, lumalabas na pala ang mga bituin... ang ganda, panigurado kung andito si venus di na naman yun matutulog


kung nasan ka man mahal ko, sana masaya ka, sana okay ka lang, sana safe ka. wag kang mag alala di ako mapapagod hanapin ka, antayin ka. malakas ang pakiramdam ko nag magkikita pa tayo. mahal na mahal kita.

The Glimmer of YouWhere stories live. Discover now