Chapter 6.

17 4 0
                                    

DARREN POV.

Ng maka rating na sa bahay nila Katrina, pinark kona sa tapat ng gate nila.

" Katrina.. nandito na tayo." Gising ko sa kanya, nakita ko ang pag kunot ng noo nya.

" Grabe ka talaga sakin.. darren." Mahinang sabi nya na narinig ko naman, kahit sa panaginip nya nandon parin ako grabe..

Bumaba nako at pumunta sa passenger seat, binuksan ko ang pinto at inalalayan si katrina mag lakad, mukang nagising naman narin ang diwa nya ng alalayan kosya patayo.

" Ren.." Tawag nyapa, mag lalakad na sana kami ng may tumigil na kotse, bumaba ang taong yon na syang ikina kunot ng noo ko..

" Anong nangyare sa kanya?." Tanong nya, lalapitan nya sana si Katrina ng ilayo kosya.

" Lasing sya Raco, umuwi kana." Seryosong sabi ko..

" Sir Darren bakit mosya kasama?." Takang tanong nya..

" Wala kanang pake ron." Sabi ko..

" Hmm.. Raco? Ikaw bayan?." Lasing na tanong ni Katrina at mag lalakad sana papunta kay Raco ng ilayo kosya, hindi rin naman sya maka lakad ng maayos kaya kontrolado kosya.

" Darren.. may dinner pa kami." Sabi nya.

" Tamana lasing kana, mag pahinga kana." Sabi ko..

" Oh kayo pala Darren, Raco, pasok kayo.. oh anong nangyare dyan? Mukang naka inom." Napa tingin kami sa mama ni Katrina..

" Ah pasensya napo, nalasing posya." Magalang na sabi ko.

" Osya pumasok na kayo." Sabi ni tita, pumasok na kami, dinala kona rin si Katrina sa kwarto nya..

" Titigil naba talaga ako? Ayoko!." Sabi nya, napa iling nalang ako..

Bumaba nako at nakita kong nag uusap sila tita at Raco.

" Mauna napo ako tita." Sabi ko.

" Sige.. mag iingat ka iho." Ngiting sabi ni tita kaya tumango nalang ako at lumabas.

" Ako rin po, teka Darren!." Tawag nya, hinarap kosya sa tapat ng kotse ko kasi hinabol nyako.

" Anong kailangan mo?."

" Sir darren, bakit kayo mag kasama?." Tanong nya..

" Wala kang pake ron." Sabi ko at tatalikod na sana ng kapitan nya ang braso ko, tinabig ko naman yon..

" Kung may sasabihin ka, sabihin mona." Sabi ko..

" Please lang, alam naman natin na may gusto sayo si katrina, kaya sana hayaan mona sya." Sabi nya, nangunot ang noo ko..

" Bakit? Ayaw mokong lumapit sa kanya?."

" Ganon nanga." Diretsong sabi nya, napa lalim naman ang pag hinga ko sa naging sagot nya.

" Anong karapatan mo para pag sabihan ako nan?."

" Kasi gusto kosya." Biglang amin nya.

" Gusto kaba?." Sa tanong kong yon nag iba ang temperatura sa pagitan namin.

" Hindi mosya gusto, kaya lumayo ka, sasaktan molang sya." Sabi nya..

" Pano ka nakakasigurado?."

" Kasi ganon ka naman."

" Kilala moba ako? Kung makapag salita ka parang kilala moko." Nag titimping sabi ko, naiinis ako sa pag katao ng isang to.

" Hindi nga, kaya umiwas ka sa kanya, ayokong nasasaktan sya."

I'm the queenWhere stories live. Discover now