Chapter 14.

15 4 0
                                    

KATRINA POV.

Matapos ang pag lilibang namin sa Premanade, umuwi narin kami at nag pahinga na.

Ginabi na kasi kami kaya tuloy tulog na, sa labas narin kami kumain kaya wala ng gagawin.

Kinabukasan, nagising akong masakit ang batok, mataas yata ang unan ko kaya sumakit.

Dahan dahan akong bumangon at masakit talaga, hindi ko magalaw ng maayos ang aking batok, feeling ko isang maling galaw kolang mapuputol ang leeg ko.

Tiningnan ko ang oras at nanlaki ang mata ko dahil 9 na, nakuu! Yare ako!

Dali dali akong nag handa at pumasok na agad sa cr at naligo, iningatan ko ang naninigas kong batok..

Matapos ang pag aayos sa sarili ko ay lumabas na agad ako at pumunta sa kusina, wala akong nakitang katulong kaya nag timpla nalang akong kape ni darren at pumunta na sa kwarto nya.

Pumasok na agad ako, pag pasok ko nakita kosyang nasa table habang nag lalaptop.

" Late ka." Mahinahon na sabi nya habang tutok parin sya sa laptop nya, nilagay kona sa table ang kape nya.

" Pasensya na, nalate ako ng gising." Sabi ko habang hinihimas ang batok ko, tiningnan nya naman ako.

" Ayos kalang?." Tanong nya.

" Oo.. medyo ano lang, masakit yung batok ko." Sabi ko, tumayo sya at lumapit sakin.

" Patingin." Sabi nya at kinapitan ang batok ko, napapangiwi pako pag natatabingi nya ang ulo ko kasi nga masakit.

" Na stiff neck ka, wag ka munang gagawa at mahihirapan ka." Sabi nya.

" E ano namang gagawin ko?." Tanong ko.

" Simple lang, maupo ka rito." Sabi nya at pinaupo ako sa tabi ng upuan nya, naupo narin sya.

" Nga pala, tatlong araw nalang ako rito, siguro naman sa Sunday pedi konang makuha ang cp ko." Sabi ko sa kanya, naka tutok nasya sa laptop nya.

" Sure, uuwi kana rin naman non." Sabi nya..

Bigla naman akong nalungkot dahil malapit nakong umuwi, napa buntong hininga ako kasi parang ayoko pang umuwi, gusto kopa syang maka sama.

Naka tingin lang ako sa paligid habang may ginagawa sya, ayos lang naman kung nakaupo lang ako rito, basta katabi tong si darren wala ng problema.

" Nga pala, ayos lang ba na isang linggo kang wala sa office mo? Ayos lang naman ako rito kung may hindi ako alam, pedi ko naman itext nalang." Sabi ko..

" Mas importante ang dapat unahin, at pag tuunan ng pansin, kahit nasaan ako kaya ko ang trabaho ko." Seryosong sabi nya kaya hindi nalang ako umimik.

Habang naka upo ako napa tingin ako sa may pinto ng may pumasok..

" Yow! Musta!?." Sabi ni Winston, kasama nya si Kevin na seryosong nag lalakad sa likod nya habang naka pamulsa.

Napa buntong hininga si Darren at napa tigil sa kakatype, napa tingin kila Winston..

" Matuto naman kayong kumatok." Iritang sabi ni Darren, inakbayan naman agad ni Winston si darren ng makalapit, si kevin naman naupo sa sofa.

" Darren friend, gala naman tayo." Sabi ni Winston, tinanggal naman ni Darren ang pag kakaakbay sa kanya ni Winston at tinuloy na ang pag tatype.

" I'm busy." Sabi nya.

" Ays, tagal tagal na natin di nag kakasama, Bonding naman tayong mag kakaibigan, tara basketball." Pamimilit nyapa..

I'm the queenWhere stories live. Discover now