chapter 4.

28 4 0
                                        

KATRINA POV.

Ng maihatid kona ang kapatid ko agad narin akong pumunta sa pag kikitaan naming tatlo, medyo natagalan pa dahil sa traffic pero di kalaunan naka rating narin ako.

Dali dali kopa silang hinanap at ng makita ko sila mabilis ko silang nilapitan na naka upo sa bench habang kuma kain.

" Guys sorry I'm late." Sabi ko habang hinihingal, bigla naman tumayo si Shirley.

" Anak ng tinapa ka kath! Ang tagal mo! Sobrang tagal mo halos maluto na kami dito sa sobrang init! Grabe lagi ka nalang late pero mas grabe ngayon, tingnan mo oh alas dos na!." Bulyaw sakin ni Shirley kaya napa kamot ako sa ulo ko.

" Sorry na." Sabi ko..

" Hayaan mona Shirley, ang mahalaga naman ay dumating sya, oh kath." Sabi ni Raco at inabot sakin ang isang cap ng fishball..

" Salamat." Sabi ko..

" Hyys.. tara nanga, kain muna tayo ng jollibee gutom nako." Sabi ni Shirley at hinigit na kami.

May malapit namang jollibee dito kaya nilakad nalang namin, mabilis lang naman kaming naka rating sa jollibee at humanap na ng pwesto.

Dahil nga lalaki si Raco dapat gentleman, sya na ang umorder ng food kami naman ni Shirley ang nag hahanap ng pwesto.

" Dito nalang tayo." Sabi ni Shirley, tumango nalang ako at uupo na sana ng napa dako ang tingin ko sa di kalayuan.

" Oh kath, bat di kapa umuupo?." Takang tanong ni Shirley.

" Teka lang babalik ako."

" Uy saan ka pupunta?." Tanong ni Shirley na hindi kona pinansin, pumunta nako sa pwesto nila.

" Sabi na eh!." Agad na sabi ko ng mapag tantong tama ako ng hinala, nagulat pasya ng makita ako.

" A-ate.. anong ginagawa mo dito?." Tanong nya..

" Ikaw marcus ah! Yare ka kay mama! Nakikipag date kana pala!." Dinuro diro kopa sya, grabe inunahan pako.

" Hinde ah!." Agad na angal nya.

" Sino sya ah.. susumbong kita." Sabi ko at tiningnan kopa yung magandang babae.

" Ate naman eh, para kang bata, sya si Sheila, kaibigan ko, kung ano anong iniisip mo ate nakakahiya ka." Sabi ni Marcus, nag pamewang naman ako.

" Kina kahiya mona ako? Pag katapos kitang pasakayin at ihatid kanina ganyan kapa sakin! Nalate ako dahil sayo tapos dito lang din pala punta mo!." Bulyaw kopa sa kanya.

" Ano bang nangyayare?." Biglang sulpot ni Shirley.

" Eto kasing kapatid ko __." Hindi kona natapos ang sasabihin ko ng mag salita ulit sya.

" Oh Sheila, di mo nabanggit na si marcus pala kasama mo." Sabi ni Shirley..

" Eh ate di ka naman kasi nag tanong e." Sabi no Sheila.

" Mag kapatid kayo?." Sabay na tanong namin ni marcus..

" Oo.. kapatid koyan haha.." Sabi ni Shirley sabay tawa, napa iling nalang ako.

" Tara na kath, nandon na si Raco, gutom narin ako. Wag kang mag alala, mag kaibigan lang ang dalawang yan, bye na Sheila, bye marcus." Sabi ni Shirley..

" Bye po." Sabay na sabi ng dalawa, ng maka balik na kami sa pwesto namin naupo na kami.

" Ikaw Shirley ah, di mo nabanggit sakin na mag kakilala pala yung kapatid mo at kapatid ko."

" Ah sorry, di ka naman kasi nag tanong." Sabi nya sabay kuha ng pag kain.

Grabe, napa iling nalang ako kasi parehas sila ng kapatid nya, kumuha nalang din ako ng pag kain at kumain na dahil gutom narin ako.

I'm the queenWhere stories live. Discover now