KATRINA POV.
Nag lakad lakad muna ako dito, nabuburyo kasi ako kakaupo don sa kubo e..
Habang nag lalakad nakita kong mag kakasalubong kami ni darren kaya lumihis ako ng daan.
" Katrina." Tawag nya, pero di ko pinansin.
" Katrina ano ba!?." Inis na sabi nya kaya inis korin syang hinarap.
" Ano ba? Wala tayo sa work kaya di mo ako mauutusan!." Bulyaw ko sa kanya, tumigil sya sa harapan ko.
" Ano bang problema mo?." Inis na tanong nya.
" As if you care." Sabi ko..
" Galit kaba dahil sa hindi ako sumasabay sayo pag lunch?." Tanong nya.
" Bat ba matangon ka ngayon? Diba ayaw mo sakin? Pabayaan monga ako." Sabi ko, masama na ang tingin nya sakin.
" Sige lang, lagi ka naman ganyan sakin, pinapatay ng tingin mo!." Bulyaw kopa at tumalikod na para mag lakad kaso natalaped ako kaya nadapa ako.
Anak ng! Ngayon pa talaga ako tinamaan ng ka clumsy han ko!
" Katrina." Tawag nya, tinulungan nyakong tumayo, aangal paba ako? e masakit ang katawan ko dahil sa pag baksak ko tss..
" Ang kulit mo kasi e." Inis na sabi nya.
" Kung labag sa loob mong tulungan ako di wag mokong tulungan!."
" Ano bang problema mong babae ka? Ikaw nanga tinutulungan galit kapa." Inis na sabi nya..
" Tss.." Asik ko.
Dinala nanya ko sa kubo kung saan nandon si lola el..
" Oh iha anong nangyare sayo?."
" Wag po kayong mag alala, malayo poyan sa bituka, tyaka di po yan madaling mamatay." Sabi ni darren.
" Grabe ka talaga sakin!." Sabi ko pero di nako pinansin at naupo nalang din sa tabi ko..
" Hoy!." Nagulat ako ng kuhain nya yung binti ko at kumuha ng tubig para buhusan yung sugat ko.
" Pedi ba tumahimik kana, ang ingay mo nakakabingi kana." Inis na sabi nya.
" Hindi kapa naman bingi." Sabi ko, sinamaan nanaman nya ako ng tingin kaya binilatan kosya at tumingin sa iba.
Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko kaya kinuha ko sa bulsa ko at tiningnan kung sinong nag text.
Text from Raco imao.
Fr: Kath busy kaba mamaya?
To: Bakit?
Fr: Aayain sana kita ng dinner mamaya..
Napa ngiti naman ako ng mabasa yon, napansin ko ang pag tingin tingin ni darren sa phone ko kaya nilayo ko para di nya makita.
To: Sige saan ba mag kikita?
Fr: Sunduin nalang kita sa inyo.
To: Sige.
Yes.. makakalibre pa hahaha, ayoko rin kasi mag stay muna sa bahay nakakaburyo.
" Sino yan?." Tanong nya..
" Wag kangang tsismoso." Sabi ko, agad nya namang inagaw yung phone ko ang tiningnan, nangunot pa yung noo nya..
" Hoy ano ba?." Inis na sabi ko at agad na inagaw sa kanya yung phone ko.
" Problema mo?." Tanong ko habang nilalagay yung phone ko sa bulsa.
" Bahala kanga dyan." Sabi nya at binaba na yung binti ko at umalis.

YOU ARE READING
I'm the queen
FanfictionMahirap talaga ang buhay, maraming pag subok at maraming susubukan ka, simple lang akong babae, walang ibang gusto kundi maging mabuting anak. Pero ng dumating ang lalaking hindi ko inaasahan, sa kanya na umikot ang mundo ko, sa kanya ko natutunan k...