Chapter 20.

9 4 0
                                    

KATRINA POV.

Ng matapos kami sa pag gagardening pumunta naman kami sa may rooftop para mag pahangin, hindi naman narin ganon kainit kaya masarap tumambay rito.

" Saan nga pala si Shirley?." Takang tanong ni Raco kaya napa linga linga rin ako.

" Ewan koba sa babaeng yon." Sabi ko..

" Nakita kosya kanina kasa kasama si Ej, may something kaya sa kanila?." Tanong ni Raco na syang ikina tingin ko sa kanya, kinunutan kosya ng noo.

" Wala naman siguro, remember? si Vina ang gusto non." Pag papaalala ko sa kanya..

" Malay ba natin, tyaka isa pa kasal na si vina kay kevin, malabo ng maging sila, malay mo si Shirley na pala ang gusto." Sabi nya..

" Ays ewan, basta tigilan mona yang kaiisip mo ng ganyan, malabo nga mangyare yon." Sabi ko..

" E bakit kayo ni darren? Malabo rin naman maging kayo pero pinipilit mopa." Sa sinabi nyang yon napa nguso ako.

" Kaibigan ba talaga kita? Sarap mong itapon dito." Sabi ko at inirapan sya kaya natawa sya, napa iling nalang ako at napa tingin sa gawi nila darren at betty.

Masaya silang nag uusap, mas napa nguso ako dahil don, edi kayo na mag sama, tutal masyado namang mapapel yang babaeng yan.

" Tara gala tayo, libot tayo rito sa resort." Suggest ni Raco na syang ikina tango ko, para naman hindi kona muna makita ang dalawang yon..

Nag paalam na muna kami sa mga kasama namin bago umalis, habang nag lilibot kami may nakita kaming hanay hanay na bilihan..

Nag katinginan kami ni Raco at sabay na napa ngiti, mukang parehas kami ng naiisip.

" Street food!." Sabay na sabi namin at agad na lumabas ng resort at pumunta sa street food na nakita namin, hindi kalayuan sa resort.

Agad kaming bumili ng kwek-kwek, fishball, kikiam, squidballs at iba pang mga street food, may mga lamesa na kaya naupo na kami.

Nag paluto narin kami ng sampung isaw, tig lima kami ni Raco, talagang mahilig kami sa ganito parehas namin tong favorite, kaya super close namin dalawa kasi ang dami naming pag kakapareho.

" Naalala moba yung huling kain natin sa street food? Hahaha epic yung muka mo ng mahulog yung isang isaw e iisa nayon, hahaha! Halos maiyak kana non kasi last nayon haha." Tawa ni Raco habang nag kekwento. Kaya natawa narin ako.

" Sinong hindi maiiyak? E iisa nanga lang nahulog pa, mas masarap kaya ang panghuling pag kain." Naka pout na sabi ko..

" Pero epic parin yun hahaha!."

" Hoy! Kala moba ako lang may epic na muka ah!? Ikaw rin kaya, yung hindi mopa nababawasan yung kwek-kwek mo tapos puno pa ng sauce kasi sabi mo hihigupin moyon, kaso.. bigla naman natapon ng bata kasi nabangga kanya.. in the end natapon sayo WHAHAHA!." Malakas na akong napatawa ng maalala ang muka nya non, napa pout nalang si Raco kaya mas napatawa ako, napa kapit pako sa tyan ko.

" Tss.. parang hindi babae kung tumawa." Seryosong sabi ng nasa gilis namin kaya natigilan ako kakatawa.

Napa lunok muna ako bago sila tingnan, nanlaki pa ang mata ko na nandito silang lahat, anak ng! Kaya nga kami umalis para hindi makita ang dalawang yan, ok lang sana kung sila vina lang kaso kasama yung dalawang ungas tss..

" Bakit kayo nandito?." Sabi ko at hindi pinansin ang pag susungit ng isa, naka ngiti namang sumagot si Vina.

" Hinahanap kasi namin kayo, tapos bigla namin narinig yung tawa mo kaya pinuntahan na namin." Sabi nya kaya bigla akong nahiya, ngayon si Raco naman ang tumatawa kaya binato kosya ng stick, pero binilatan pako..

I'm the queenWhere stories live. Discover now