Chapter 7.

21 4 0
                                        

KATRINA POV.

Nandito parin ako sa office nya, ayaw parin kasi nya akong lumabas e, nag tetetext nanga yung dalawa kong kaibigan.

Nag vibrate ang cp ko kaya tiningnan ko, at nag text nanaman sila.

Text from Shirley Viejo..

Fr: Uy girl, buhay kapa ba dyan? Di kaba mag lalunch ah?

To: Hinde e, ayaw talaga akong palabasin.

Text from Raco imao..

Fr: Gusto mobang dalhan kita ng food modyan?

To: Salamat nalang Raco, pero wag na tyaka kakakain kolang kanina lang.

Fr: Sure ka?

Tanong panya, sasagot na sana ako ng oo kaso may biglang humablot ng cp ko, sino paba edi itong kasama ko.

" Hindi peding mag cell phone." Sabi nya at nilagay panya sa drawer nya yung phone ko, napa busangot naman ako.

" Ser.. kung may galit ka sakin sabihin mo, papatayin moba ako sa kaboringan dito ah? Nananakit narin ang pwet ko kanina pako naka upo dito sa tabi mo." Sabi ko pero di nya ako pinansin kaya nag cross arm nalang ako..

Bawal ang mag tanong, bawal mag ingay, bawal lumabas tapos ngayon bawal rin mag cell phone? Ano bang trip nya? Nabuburyo nako rito e.

Napa tingin ako kay darren ng tumayo ito kaya napa tayo rin ako..

" Saan ka pupunta?." Tanong ko kasi papalabas nasya.

" Stay here." Sabi nya at lumabas na, ano bayan buryong buryo nako iniwan pako.

Nag unat ako at nilibot nalang ulit ang tingin kahit kanina kopa naman to napag masdan.

Ng 20 minutes ng wala si darren naisipan kong lumabas dahil nabuburyo na talaga ako.

Pag bukas ko ng pinto, nanlumo ako kasi may humarang agad na dalawang bodyguard, seryoso? Ano bako dito? Preso? Kaloka.

" Please po padaanin nyona po ako." Pag mamakaawa kopa sa kanila..

" Pasensya napo ma'am, trabaho lang." Sabi nila.

" Sige napo, please, buryong buryo nako rito." Sabi ko at sinubukang hawakan sila pero umatras at yumuko lang, tss..

" Pag talaga di nyo ako pinadaan, tatalon ako sa bintana." Pag babanta ko, pero nanatili silang naka tayo sa harap ko.

Dahil ayaw nila pumunta ako sa bintana at don naupo, may space naman para maupuan e.

" Ma'am Katrina wag po!." Kina kabahang sabi ng dalawa, pinag sasabi nila?

" Po?." Tanong ko..

" Wag po ma'am, patay po kami kay sir darren pag ginawa nyopo yan." Sabi ng isa, pinag sasabi nila? Umupo lang naman ako rito para tingnan yung labas? Ano bang akala nila? Gagawin ko yung sinabi kong tatalon ako? Aba'y ayoko pang mamatay mahal kopa buhay ko.

" Anong nangyayare?." Biglang sulpot ni Darren, at nangunot ang noo ko ng makita ang kasama nya, kung hindi ako nag kakamali, sya si betty.

" Katrina anong ginagawa mo? Bumaba kanga dyan?." Kunot noong utos nya..

" Ano ka boss?."

" I said get down!." Galit na utos nya kaya agad naman akong napa sunod..

Aba sino bang di matatakot don? Kaloka talaga tong si darren lagi nalang akong tina takot.

I'm the queenWhere stories live. Discover now