Chapter 16.

13 4 0
                                    

KATRINA POV.

Naka tulala akong bumaba at pumasok sa loob, pumasok narin ang dalawa kopang kasama.

" Oh anak napaaga ka yata ng uwi?." Sabi ni mama..

" Ah opo tita, wala narin naman po silang gaanong gagawin, sige po una napo kami." Pag dadahilan ni Winston at umalis na..

" Anak.. kamusta? Bakit maga ang mga mata mo? Ayos kalang?." Nag aalalang tanong nya, napa hinga ako ng malalim at agad na niyakap si mama na syang ikina taka nya.

" Mama.." Nahihirapang sabi ko dahil nanginginig ang mga labi ko, agad naman akong niyakap ni mama pabalik at hinimas ang likod ko.

" Anak.. ilabas moyan, alam kong may problema ka." Sabi nya kaya napa hagulgol na ako.

" Mama! Ang sakit ma! Ayoko na! Pagod na pagod nako!." Iyak na sumbong ko sa kanya..

" Shh.. iiyak molang, tara at maupo muna tayo at mapag usapan ang problema mo." Sabi nya at kinalas na ang yakap ko at naupo na kami sa sofa.

" Mama.. mahal kopo talaga si darren, hindi kopo sya kayang iwan." Umiiyak na sabi ko, pinunsan naman ni mama ang mga luha ko..

" Sa tingin ko, kailangan mo munang unahin ang sarili mo bago ang iba, wag mo namang pabayaan ang sarili mo, bigyan mo naman ng oras ang sarili mo." Sabi nya..

" Paano kopo yon gagawin kung laging si darren ang laman ng isip ko?." Sabi ko..

" Si mom, tumawag sya." Napa iwas na tingin na sabi nya..

" Si lola? Bakit po? Ano pong kailangan nya? Nang gugulo nanaman poba?." Tanong ko..

Si lola kasi, ang mama ni mama, tutol talaga sa pag papakasal nila tatay, kaso nabuo nga ako kaya wala ng nagawa, pero hindi susuportahan ni lola si mama sa pangangailangan, kaya ayoko sa kanya kahit hindi kopa sya nakikita.

Si tatay, nag tatrabaho ngayon sa ibang bansa para mabuhay kami, tuwing pasko hanggang new year lang sya dito at babalik narin sa ibang bansa.

" Hinde anak.. ahm.. sa totoo lang, ah.." Hindi matuloy tuloy ni mama ang sasabihin nya ng may biglang nag salita..

" Gusto ka namin isama ng lolo mo sa japan." Napa tingin ako sa kanya, nagulat ako at inisip kung sya ba ang lola at lolo ko? Ngayon kolang sila nakita sa buong buhay ko.

Malakas at maganda pa ang itsura, mapag kakamalan mopa itong nasa 40, pero sabi ni mama nasa 50 na sila.

" Teka po.. saan? Sa japan?." Tanong ko, napa tingin ako kay mama ng kapitan nya ang kamay ko pero agad ring tiningnan ang lola ko.

" Yes.. we decided that you come along with us, I know this is so sudden, and we are not close enough to you to trust us, but this is the time for us as my granddaughter, gusto ka namin makasama at makilala, right love?." Sabi ni lola at kinapitan pa ang balikat ni lolo at tumango.

" Pasensya napo, pero ___."

" Pag isipan mo muna ang iyong magiging sagot iha, once in a life time lang tong opportunity para makapunta sa ibang bansa." Sabi pa nila, napa tayo ako.

" Hinde kopo kailangan mangibang bansa para sa pansariling kaligayahan, kailangan po ako rito.. gusto korin pong matulungan ang pamilya ko para mabuo na kami at umuwi na ang tatay ko, hindi naman po namin kailangan ng tulong nyo kung ayaw nyo talaga, para sakin, mas importante ang pamilya, hindi po kasi ako tulad ng iba na kayang matiis ang sarili nilang kadugo." Sabi ko kaya napa tayo si mama at kinapitan ako, nag aalala ang tingin nya sakin.

" Anak naman.."

" Mahirap man po kami, pero masaya naman po at buo, nag kakaintindihan, hanggat masaya ang pamilya makakaya ang lahat ng pag subok, bastos man po ako kung sumagot, pasensya napo, pero hindi kopo kayang iwanan ang pamilya ko ng ganon ganon nalang at sumama sa taong tutol sa kaligayan ng magulang ko." Sabi kopa.

I'm the queenWhere stories live. Discover now