Chapter 6: Friends

1.3K 66 9
                                    

Chapter 6: Friends

 
IZO



“Miss mo na ba, pre?”

Tinignan ko si Jayson na nakaupo sa harap ko. Pareho kaming nagawa ng plate na submission na bukas. Nandito kami sa library ng univ. Isang subject lang kami ngayon kaya dumiretso kami rito para gawin ‘to. Si Kuya Jay lang ang tao sa shop, nagpaalam ako na gagabihin dahil sa plate na ‘to.

Ba’t ba ko nag-arki? Nakiuso lang kasi ako dati amp. Akala ko naman masaya, hindi pala.

“Sinasabi mo diyan?” Binalik ko ang tingin sa plate ko. Madaming parts pa ang kailangan kong gawin bago ‘to matapos. “Nababaliw ka na naman ba?”

“Tongeks! Si Dianne kasi tinutukoy ko.”

Muling umangat ang tingin ko sa kaniya. Oh, anong meron kay Di?

“Bakit? ‘Nung meron kay Di?”

Napakamot siya ng lapis sa ulo.

“Ewan ko sa ‘yo, pre. Bobo mo.”

Naknang!

“Sulatan ko ‘yang plate mo, ‘ta mo!” Hamon ko.

“Gago ‘wag!” Dinampot niya ang plate niya at nilayo sa ‘kin. “Ako na lang, ‘wag na ‘tong baby ko. Isang linggo ko ‘tong pinagpuyatan tapos susulatan mo lang.”

“Ingay mo, gago!”

Sa huli, tumahimik din kaming dalawa at nagpokus sa paggawa. Hindi ko na nabilang kung ilang oras pa kaming nag-stay sa lib para tapusin ‘yon.

We decided to continue our plate to our to our house when the librarian told us she’s going to close the library.

Sinalubong ako ni Kuya Jay pagpasok ko sa shop. Almost 8PM na rin ako nakarating. Dalawa lang ang customer pagpasok ko.

“’Kala ko ‘di ka na dadating.” Sabi ni Kuya habang naghahanda ng order. “Tapos na kayo sa plates niyo?”

Umiling ako. Inaayos ko ang apron saka siya hinarap.

“Hindi pa, kuya, pero malapit na naman.” Sagot ko. “Magpupuyat na lang ulit ako mamaya.”

Humarap siya sa akin habang hawak-hawak ang tray na may lamang order.

“Pwede ka namang umuwi na muna, ‘Zo. Ako nang bahala ritp sa shop. Ilang oras na lang din naman magsasarado na ‘ko. Umuwi ka na para makagawa ka ng gagawin mo.”

My Ex-Girlfriend's Cousin (BXB) (COMPLETED) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon