Chapter 39: Date

1.1K 45 12
                                    

Chapter 39: Date


IZO




Frustrated, I deleted the message I composed and lay down on my bed while staring at Renz' evening greeting.

"Batiin ko ba?" I asked myself. "Pero ilang minuto na kasi lumipas baka isipin nun namimiss ko siya."

Umupo ulit ako sa kama. Nakatulala pa rin ako sa conversation namin. Active status siya kaya alam kong gising pa siya. 

It's almost eleven in the evening. Ano kaya ang ginagawa niya? Bakit gising pa siya? 

"Takte! Anong sasabihin ko?"

Halos trenta minutos na akong nakabantay sa convo namin pero wala akong maisip na sabihin. Hinihintay ko ang good night niya pero wala. Binati niya lang ako pero walang good night.

Nasaan na good night ko?

Amp. Kinalimutan ata. Tulog na ata 'to, e. Nakalimutan lang i-off ang wifi. Tinulugan na ata ako nito. 

"What if gising pa siya?" Tanong ko na naman sa sarili ko. "Pero what if tulog na nga?"

Natulala na naman ako. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba ako nakatambay sa convo namin? Bakit ba ko nag iisip ng message para sa kaniya?

"Miss ko na ata…" wala sa sarili na sabi ng bibig ko. "U-Uy! Gagi, hindi ah!" Tinampal ko bibig ko. "Bunganga mo, oy!"

Tumitig ulit ako sa last message niya.

"Bahala na nga!"

Umayos ako ng upo at ginamit ang dalawang kamay para magtype.

"Nu gawa mo?" Basa ko sa tinype ko. "Delete, delete. Ang pangit ng tanong ko."

Mabilis kong dinelete ang message ko at gumawa ng bago.

"San goodnight ko—Ay gagi! Lalong delete— PUTA!"

Nanlaki ang mga mata ko sa nagawa kong kabobohan! Parang buong buhay ko, nag flashback sa akin ngayon! Anong kabobohan 'yan, Izo?! 

"Tangina!"

Mabilis kong inunsent ang sinend kong message. 

"Ang bobo ko naman!"

Imbes na erase ang mapindot kong button, send button ang napindot ko! Tangina talaga! Sana hindi nya nabasa! Hindi niya pa na-se-seen kaya ligtas ako.

Pinektusan ko sarili ko. "Apakabobo mo!"

Pinatay ko ang cellphone at nilapag sa kama. Abot leeg ang kaba ko. Pasmadong kamay kasi, ipapahamak pa ko.

Pipikit na sana ako nang marinig ko ang tunog ng messenger. Mabilis akong umupo ulit at dinampot ang cellphone. 

Parang nawala lahat ng hangin sa katawan ko nang makita ang notip mula kay Renz.

He sent a voicemail.

Shit!

Hindi nya naman nabasa, 'di ba?

Hindi, 'di ba?

Nanginginig na inopen ko ang phone at diretso sa convo namin. I almost plead that the voicemail he sent is not about the message I sent earlier. 

Have mercy on me please… 

Dahan-dahan kong pinindot ang play button para marinig ang sinend nya— Na sana ay hindi ko na lang ginawa. 

My Ex-Girlfriend's Cousin (BXB) (COMPLETED) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon