Chapter 9: Pinch

1.2K 55 8
                                    

Chapter 9: Pinch


IZO



Pagpasok namin sa shop ay agad kong hinanap kung nasaan ko nilagay ang plates ko.


Nakahinga ako ng maluwag nang makita ang plates kong nasa gilid ng counter. Hoo! Buti na lang nandito. Hindi ko alam gagawin ko kapag naiwan ko ito.


Dinampot ko ito at sinabit sa balikat. Naglakad ako palapit kay Darenz na nagtitingin-tingin din.


"Kita ko na." I announced.


"Found it?" He looked at me. "That's good. So, let's go?"


Umiling ako at naglakad na palabas. Sumunod naman siya sa 'kin.


"Uuwi na 'ko sa apartment ko. Salamat ulit sa pag–"


"Nah!" Bigla niya akong inakbayan at naglakad palabas. "You'll come with me."


"Hindi na nga!" Tinanggal ko ang braso niya pero hinigpitan niya lang ang kapit sa akin. Nasasakal na 'ko, amp! "Hoy, nasasakal na 'ko!"


Hindi niya ako pinansin pero medyo lumuwag ang pagkakaakbay niya sa akin.


Wala akong nagawa na kahit pagsarado at pag-lock ko ng shop ay nakaakbay siya sa akin. Sinabi kong alisin niya pero ayaw. Tatakasan ko raw kasi siya.


Tsk. Makulit ang isang 'to, ah.


He even guided me to where his motorcycle parked while still holding me. I tried to remove his hand but he's too strong. Ang laki pa ng braso at mga kamay niya, wala talaga akong laban.


"Oo na sasama na nga!" Asik ko nang pilitin niya akong sumakay sa motor niya. "Ikaw pagawain ko nitong plates ko." Angal ko at sumakay sa motor niya.


"I can. Do you want me to do that?"


"Huwag na. Wala akong tiwala sa 'yo. Baka masayang lang nasimulan ko."


"Oh, come on, Izo. I'm your friend now–"


"Sino nagsabing kaibigan na kita?"


He stopped midway through his sentence because of what I've said. Bahagya siyang gumalaw at nilingon ako.


"Aren't we still friends?" He asked. "I thought we are already? Since last night, remember?"


"Tsk. Ikaw lang naman may gustong maging kaibigan ako, hindi ako," sabi ko.


"What? I don't get it." He confusedly asked. "You accepted my helmet yesterday–"

My Ex-Girlfriend's Cousin (BXB) (COMPLETED) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon