Chapter 27: Baby Boss

978 39 4
                                    

Chapter 27: Baby Boss

IZO


"Ayos ka lang ba riyan, hijo?"

Ngumiti ako at tumango.

"Opo."

Walang tigil ako sa pagpaypay ng mga iniihaw na hotdog, dugo at manok. Halos masinghot ko na ang lahat ng usok. Amoy usok na panigurado ako.

"Nasaan na raw ba si Dar? Nag-text na ba sa iyo? Bakit ang tagal niya naman ata bumili? Ano nga ulit ang bibilhin niya?"

"Hindi ko rin po alam," sagot ko. Tumigil muna ako sa pagpaypay. "Hindi niya po sinabi sa 'kin. Wala pa rin po siyang reply hanggang ngayon."

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at tinignan ang conversation namin. And still, he has no reply. Nasaan na ba 'yon?

Medyo dumidilim na ang paligid. Alas tres pa lang ay nag-ayos na kami dito sa may gilid ng bahay ng lola ni Renz para nga mag-ihaw. Si Renz talaga ang may gusto gawin ito tapos siya ang wala.

"Nasaan na ba ang batang 'yon?" Ani ni Lola Givina habang tumatanaw sa malayo. "Hindi man lang nag-u-update, e."

Muli kong tinuloy ang pagpaypay.

"Baka malapit na rin po siya," ani ko. "Hintayin na lang po natin. Maya-maya susulpot na lang po 'yon."

Tumango ito at tinignan ako. Ngumiti siya habang pinapanood ako.

"Mabuti pa nga," sabi niya. "Babalik na muna ako roon. Magsabi ka lang kung may kailangan ka ha?"

Tumango ako. "Opo."

Naglakad sya pabalik sa lamesa na nilabas namin kanina. Nakaupo rin doon si Lolo Marl habang binabantayan ang kanina na niluluto sa rice cooker.

Nagpatuloy ako sa pagpaypay hanggang sa tuluyan nang magdilim. Mabuti na lang nilagay na namin sa may gilid ang ilaw na sakto lang na naiilawan ang pwesto namin. 

"Baby."

Napitlag ako nang may braso na humawak sa balikat ko. Malapit na akong matapos kasi last three na hotdog na lang ang lulutuin ko. 

"Oh? Ba't ngayon ka lang? Tagal mo, ah."

He just smiles at me then looks at what I'm grilling.

"Let me do that," sabi niya. "I know you are tired already."

Kukuhain nya na sana ang pamaypay sa akin pero hindi ko siya hinayaan na makuha. Nilayo ko sa kanya kaya tinignan nya ako sa mukha.

"Ako na, last na naman 'to," sabi ko. "Magpahinga ka na ro'n. Ano ba ang binili mo? Ba't ang tagal mo bumalik? Kanina ka pa hinihintay ni Lola Givina."

Lola Givina and Lolo Marl told me to call them like that. Kaninang umaga lang habang kumakain kami ng agahan. Hindi pa ako sanay na tawagin silang ganun kanina pero ngayon ay nakasanayan ko na. 

Iba rin pala ang pakiramdam na may lola at lolo kang natatawag. Para akong nakahanap ng kakampi kahit na hindi ko naman sila tunay na kadugo. 

Mula kagabi hanggang kaninang umaga ay hindi nila ako hinayaan na tumahimik lang sa tabi. They entertain me in their own ways. Masaya at nakakagaan ng loob.

Sana maulit ito.

"No, I'll finish that." Sinubukan nya ulit agawin sa akin ang pamaypay. "You rest and I'll do the rest."

My Ex-Girlfriend's Cousin (BXB) (COMPLETED) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon