Chapter 4 - Good Night

1.6K 69 26
                                    

Chapter 4: Good Night


IZO



"Ayoko nga! Ang kulit mo naman, sir!"


Puputok na ugat ko sa leeg kakasigaw sa kaniya. I told him many times that I don't want to come with him. Ilang beses na akong tumanggi at ilang beses na siyang pinaalis pero matigas ang mukha nito. Ayaw niyang umalis hanggang hindi raw ako kasama. Naknang?!


"Kaya ko ang sarili ko, sir." Pilit kong kinakalma ang sarili. "Malapit lang din dito ang apartment ko kaya hindi mo na kailangan ihatid ako."


Para kaming timang na nagtatalo rito sa may labas ng cafe. Buti na lang walng masyadong nadaan. Malakas pa rin ang ulan kaya medyo nababasa kaming pareho. Pag hindi pa 'to umalis baka mabasa na kami nang tuluyan ng ulan.


"I just want to drop you off. What's wrong with that?"


Kinalma ko ang sarili ko. Maikli lang ang pasensya ko kaya please huwag sana siyang matigas.


"Hindi mo na kailangan, sir, okay?" Sabi ko. "Bakit mo ako ihahatid? Sino ka ba? Kilala mo ba 'ko? Magkakilala ba tayo? Huh, sir?"



He shook his head. "No, but–"


"Oh di ba." Tinuro ko ang bibig niya. "Sa 'yo na nanggaling na hindi tayo magkakilala kaya hindi mo na kailangan gawin 'yon, sir. Umuwi ka na para makauwi na rin ako."


"I can introduce myself to you right now and I can assure you that you are safe with me–"


Nanlaki ang mga mata ko.


Anong sinasabi niya? Safe ako sa kanya? Baliw ba 'to? Hindi talaga siya makaintindi 'e 'no?


"What the fvck, sir?!" bulalas ko. "Seryoso ka ba?"


He nodded his head. "Yeah, I am–"


"Nakadrugs ka ba o ano?" gulat pa rin na sabi ko. "Baka naman baliw ka ha?"


Umiling siya na parang walang kwenta ang sinabi ko.


"Come on, get this." Inabot niya ulit sa akin ang itim niyang helmet. "Wear this para hindi ka maulanan. I have an extra jacket here, you can wear it so you won't get drenched by the rain."


Hindi ako makapaniwalang tinignan ang helmet niya bago umakyat ulit sa mukha niya ang tingin.


"Kung gagamitin ko 'yan, anong gagamitin mo?" I asked though I still don't want to accept his offer.


"You said, malapit lang apartment mo, right? Hindi naman ako masyadong mababasa ng ulan." Inabot niya ulit ang helmet. "Come on so we can both go home."

My Ex-Girlfriend's Cousin (BXB) (COMPLETED) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon