Chapter 22: Drunk

1.1K 45 15
                                    

Chapter 22: Drunk


IZO


"Saan ba 'yun?"


He's currently driving his motor. Tumawag kasi bigla ang client na kinausap niya kanina. And his client wants to meet him again.


I don't know where we are going. Sumama na lang ako kesa iwan niya ako ro'n sa lugawan.


"Resto bar."


Bar?


"Matatagalan ka ba? Pwede mo akong ibaba sa kanto tapos maglalakad na lang ako papunta sa apartment ko."


Umiling siya.


"Nope. You'll come with me."


"Pero baka matagalan ka pa."


Umiling ulit siya.


"He's just going to sign the papers."


Tumahimik na ako. Sign lang pala, eh 'di mabilis nga lang 'yon.


Medyo matagal din ang byahe namin bago narating ang meeting place nila. And just like I thought, we stopped outside the bar. Labas pa lang, alam mo na agad na may mga kayang tao lamang ang pwedeng pumasok.


Pwede kaya ako rito?


Bumaba ako sa motor niya. Tinanggal ko ang helmet at tiningnan ang bar sa harap namin.


"Dito?" tanong ko.


Tinanggal niya muna ang helmet bago tumango.


"Yeah. He's the owner of this."


Nilagay niya ang helmet sa motor at kinuha iyong akin.


"Let's go."


"Pwede ba ako sa loob?" tanong ko. "Baka harangin tayo. Dito na lang kaya ako. Hintayin na lang kita."


"Don't worry. Ako ang bahala sa iyo."


Aangal pa sana ako pero hinawakan niya na ako sa braso at hinigit papasok. Nag-abot sya ng card sa guard bago kami pinapasok.


Maingay, magulo, at iba't ibang amoy ang bumungad sa amin pagpasok. Halos mabingi ako sa lakas ng kanta na pinapatugtog. Sobra ring dami ng tao.


Darenz pulled me with him. Umakyat kami sa second floor. Medyo humina na ang ingay.


My Ex-Girlfriend's Cousin (BXB) (COMPLETED) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon