Chapter 11: Sunrise

1.2K 49 1
                                    

Chapter 11: Sunrise

IZO



"End mo na."


Nagmulat siya ng mga mata at umiling. Tsk. Ang kulit.


"I'll wait for you."


"Marami pa 'kong tatapusin." Tinignan ko ang plate ko na halos kulang-kulang sa parts. "'Ge na, tulog ka na. Inaantok ka na oh."


Kaunti na lang kasi pipikit na ang mga mata niya. He's just trying himself to wake up by slapping both his cheeks. 


Napatingin ako oras sa cellphone ko. Alas dos na rin pala. We've been video calling for almost three hours. Ang haba na rin pala. 


Kaninang alas dose pa lang sinasabihan ko na siyang matulog pero makulit, e. Ayaw talaga. Wala naman siyang ibang ginawa kundi panoorin ako. Nakahiga lang siya sa kama niya habang pinapanood ako.


"No." He even shakes his head. "Mamaya na, sabay na tayo."


Ilang beses niya nang sinabi 'yan. Tsk. Inaantok na, ayaw pa matulog. 


"Kulit talaga ng lahi mo 'no?"


Ngumiti siya. "Are you almost done? Matagal ka pa ba?"


Tumango ako. "Oo kaya matulog ka na. I'll end this call." 


Papatayin ko na sana nang sumigaw siya.


"No!"


"What?"


"Huwag muna." Hinawakan niya ang phone at nagbago ng higa. Sumandal siya sa head board ng kama niya habang nakatingin sa akin. "Hindi na ako inaantok, see?"


Napailing ako. Dinilat niya pa talaga ang mga mata niya. Eh halata naman na inaantok na siya.


"Wala ka bang trabaho bukas?" Muli kong sinimulan ang ginagawa. "Baka ma-late ka."


"None. I'm free all day tomorrow."


Muli ko siyang tinignan sa screen. Napailing ulit ako nang makita ang half closed niyang mga mata.


I've been curious about what kind of work he had. He alway attends meetings and aside from that, he does nothing. May ganun bang trabaho? Attend lang ng meeting may sweldo na? 


"Ano bang trabaho mo?" Tanong ko. "You always attend meetings. Ganon lang ang trabaho mo, Renz?"


Nagmat siya ng mga mata bago umiling.


My Ex-Girlfriend's Cousin (BXB) (COMPLETED) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon