Chapter 19: Miss

1K 54 4
                                    

Chapter 19: Miss


IZO


Renz Makulit:

I'll be back in two days. See you in 48 hours, Izo.


Pinatay ko ang cellphone at huminga ng malalim. He sent me that message earlier at 4AM. And I just read it earlier at 6:28AM. 


Nakalagay sa message na mawawala sya ng two days kasi nagkasakit ang papa nya. Sya raw ang mag-aasikaso ng company nila.


Hindi ko alam kung ilang beses ko nang binabalik-balikan ang message nya. I'm hoping he'd message me. Last message nya kasi 'yon at kanina pang umaga kaya naghihintay ako ng bago niyang message. 


But he has no message. 


"Lalim no'n, ah? May money problem ba?"


Hindi ko sinagot ang tanong ni Jayson. Dinampot ko ang lapis at nagpatuloy sa paggawa ng plate. Nandito na naman kami sa library para gumawa ng plate. It's already 5PM.


"Wala ka atang sundo ngayon? Magkaaway kayo?"


Inangat ko saglit ang tingin sa kanya. Nakapokus na sya sa plate nya.


"Wala si Renz." Simpleng sagot ko. 


"Renz?" Tanong niya. "'Di ba Darenz ang pangalan no'n?"


Napailing ako.


"Ah... Renz kinuha mo sa Darenz." Bigla nyang na-realize. "Ayos, ah. May NN na agad sa isa't isa."


Hindi na ako makapagpokus dahil sa ingay nya. Muli kong inangat ang tingin sa kanya. 


"NN?"


"Nickname, pre. Obobs." Natatawa na sabi nya. 


"Obobs amp. Daming alam." Bulong ko. "Sa'n na gf mo? Ba't ako ginugulo mo?"


Binaba ko ang lapis at uminom sa mineral water na tubig na binili namin kanina sa baba. 


Umangat ang tingin nya sa akin.


"Busy si bebelabs. Ba't mo hinahanap, pre?" Salubong ang mga kilay nya. 


"Sasabihin ko na hiwalayan ka na. Panget mo." 


"Gago!"


Saglit pa kaming nanatili sa library bago umalis. May pasok ako habang susunduin nya naman ang jowa nya.

My Ex-Girlfriend's Cousin (BXB) (COMPLETED) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon