Chapter 33: Renz Birthday

915 38 15
                                    

Chapter 33: Renz Birthday





IZO



"Ayos na ba 'to?"

"Oo nga, pre. Kulit mo naman. Pang-ilang beses mo na 'yan tinanong."

Kita ko ang pagkabanas sa mukha ni Jayson. He is sitting down on my bed. Bihis na bihis na sya habang ako hindi alam kung ano ang susuotin. 

I scan myself.

Okay na kaya 'to?

I am wearing a combination of black and gray long sleeve and ripped jean pants with a white sneakers. Hindi ako ganun ka-pormado kaya hindi ko alam kung ayos na ba itong suot ko. Wala rin naman kwenta 'tong si Jayson, oo lang nang oo.

Dinampot ko ang cellphone at inayos ang buhok ko.

"Tangina, pre. Matagal ka pa ba? Naiinip na 'ko. Gago ka. Hindi na nga ako invited tapos papa-late pa tayo. Ikaw lang ang special ha hindi ako kasama. Kung balak mong magpa-late, pwedeng mauna na 'ko? Ang bagal mo kumilos."

Hindi ko siya tinignan.

"Sandali na lang 'to, tanga." 

"Tanginang sandali mo naman 'yan, pre. Bukas ka pa yata matatapos, e." Alam kong kanina la siya inis sa akin. "Tara na!"

"Sandali na nga lang 'to!"

"Bilisan mo na kasi!"

Today is Renz' birthday. Kagabi pa lang, atat na atat na siya pumunta ako sa cdleberation nya. Gusto nya nga akong patulugin sa condo unit nya para raw sigurado na pupunta ako. Akala niya siguro tatakasan ko siya.

Kagabi tinawagan ko si Jayson para bumili ng regalo. And I told him that I'll bring him with me. Hindi pa nga sana siya papayag kasi may date daw sila ng jowa nya pero pinilit ko. Ayun pumayag din. Kinausap ko rin jowa nya para hindi magduda.

Kagabi pa ako kinakabahan sa pagpunta sa lugar kung saan gaganapin ang celebration ng birthday ni Renz. Mas lalo akong kinakabahan habang iniisip na magkikita na kami ng mga magulang nya. Knowing they already knew me.

Fudge. Kinakabahan talaga ako.

Tumigil ako sa pagsasalamin gamit ang cellphone nang tumawag si Renz. 

Huminga ako ng malalim bago pinindot ang answer button.

"Where are you? The party has almost started yet you are not still here. Should I pick you up?" 

Natawa ako.

He sounds concerned. Akala yata nito hindi ako tutuloy. Biniro ko kasi kagabi na hindi ako pupunta. 

"Hindi na. Papunta na rin kami." Natatawang saad ko. "Marami na bang tao?"

"Not really. Just a few friends of mine, my relatives especially cousins and my parents. Where exactly are you?"

"Apartment," sagot ko. "Pero paalis na rin kami. Ang bagal kasi kumilos ni Jayson."

"Tanginang 'to. Dinamay pa 'ko."

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Jayson pero natawa ako. Sorry, pre. 

"Sige na, aalis na kami. Bye—-"

"Wait!" Habol na sigaw ni Renz sa kabilang linya. 

Huminto ako at muling ibinalik sa tenga ang cellphone.

"Ano?" Tanong ko. "Aalis na nga kami." 

"You forgot something."

"Ha?" Napaisip ako. " Wala naman, ah?" 

My Ex-Girlfriend's Cousin (BXB) (COMPLETED) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon