Chapter 14: Last

1.1K 41 11
                                    

Chapter 14: Last


IZO


"Don't forget the movie later, okay?"


Tinanggal ko ang helmet at bumaba sa motor niya. Hinatid niya ulit ako sa univ ngayon. Ilang beses na ba 'kong hinatid nito? Hindi ko na mabilang.


"Oo na."


May horror movie kasi siyang gustong panoorin. Dapat talaga kagabi pa namin papanoorin kaso biglang may quiz ako ngayon kaya nagpokus muna ako sa quiz. Hindi kami nakanood kaya ngayong gabi na lang after class. Kanina niya pa 'yan paulit-ulit na sinasabi habang nasa daan kami. Halatang excited, e.


Inabot ko sa kanya ang helmet niya.


"VC ba ulit?" Tanong ko.


"Why? Do you want to watch the movie in my condo?"


"Tongeks!" Inambahan ko siya na hahampasin ng helmet niya. "Seryosong tanong, Renz, seryosong sagot din dapat."


"I'm serious though." Natatawa na sabi niya. Seryoso na siya niyan? "We can watch it in my condo. I have a projector so we can watch it on a big screen. So?"


Napaisip ako.


"Titignan ko. Baka may plates na naman ipagawa sa amin ngayon."


"Okay then. Class well."


Natawa ako.


"Class well?" Natatawa na sabi ko. "O, sige, work well."


Natawa rin siya bago umalis. Pumasok ako ng univ at pumunta ng room assign sa amin ngayon. Si Jayson agad ang bumungad sa 'kin.


"Grabe, pre, pinagpalit mo na talaga ako sa bago mong kaibigan." Drama niya. Nababaliw na naman 'yan kasi may quiz. "It's really hurt ang magmahal ng ganito." Sumayaw pa ni tanga.


Umupo ako sa tabi niya at kinuha ang ginawa kong reviewer kagabi. Nilagay ko sa table niya.


"Oh, tumahimik ka na."


"Ayos!" Masaya na sabi niya. "Bait mo talaga, pre."


Inilingan ko siya.


"Pero 'di nga, pre, pansin ko lang na napapadalas paghatid no'n sa iyo, ah? Close na close kayo?"


"Gusto mo lang din magpahatid eh 'no."


Natawa siya. "Hindi, ah! Baliw 'to."


Hindi naubos ang tanong niya tungkol kay Renz. Pangalawa na siyang nagsabi sa akin niyan. Una si Kuya Jay tapos ngayon si Jayson. Hindi lang pala pareho ang pangalan nila, pareho rin mag-isip. Mga baliw.

My Ex-Girlfriend's Cousin (BXB) (COMPLETED) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon