Chapter 2

13 2 0
                                    

Chapter 2

Hindi ako makatulog after that conversation with Luna. Iniisip ko ang mga memories ko kasama siya, natural mahirap siyang kalimutan dahil we know each other for over a decade. We started as friends.. and we also ended up as friends. Wala akong pagsisisi dahil i never treated her bad at saksi ang friends ko sa mga yon.

I was mindlessly staring at the window. Wala naman akong pake kung madilim sa labas, gusto ko lang makaramdam ng katahimikan. But then I remembered na may alaga ako dito sa bahay.

"Meow" it was Mocha, my cat.

The air inside my room was cold. But I felt warmth nang humiga si Mocha sa lap ko, nagpapalambing na naman ata 'to. God everywhere i look na lang oh. Luna really left her traces everywhere, from our framed picture to Mocha. She gifted this cutie and fluffy cat last vacation.

Lumabas ako ng kwarto para kumuha ng cat food for Mocha. Naghugas rin ako ng kamay pagkatapos pakainin ang pusa nang may kumatok sa labas ng bahay, tangina anong oras na eh. Pagbukas ko ng pinto I already knew who it was just by looking at her shoes. It was a shoes na niregalo ko sa kanya before.

Her voice was tired. "Kuya, andito na ko"

"Dane!" Niyakap ko agad ang kapatid ko. She asked kung nasaan si mama pero tulog na siya kaya i told her na bukas niya na isurprise baka hindi matulog si mama sa sobrang saya.

It really runs in the blood, lagi kami napagkakamalang masungit because of our eyes but she's bubbly and funny.

Pinatulog ko na muna siya sa kwarto ko at hindi rin naman ako makakatulog kakaisip kay Luna. She was sleeping so well. Pagod ata siya sa byahe galing Canada, Dad asked her to come over para magvacation so she went there alone. Next year ay ako naman raw ang pupunta roon, need ko magprepare mentally dahil di ko alam ang pwedeng mangyari oras na tumapak ako sa ibang lupain.

Time: 5am, chilly

I was playing a game nang magising si Dane, asking me to join her mag jogging. Kinuha ko ang windbreaker ko after non ay sinuot ko ang shoes at dali daling humabol sa kapatid ko. She likes to exercise kaya nahawa rin ako. Napaka close ko sa kanya, kahit 2 years ang gap namin ay bine-baby ko pa siya kapag nag papalambing sa akin. While jogging, may dumaan na kotse sa gilid namin. The window was open and i peeked kung sino ang nasa loob.

"Tangina" I cursed lowly.

Si Luna ang nasa kotse, kasama ang family driver nila.

Nag-vibrate ang phone ko indicating na may nagchat sa akin. Luna... i don't have a good feeling about this. I suddenly remembered na nahulog ang frame namin last night, pero nasa part niya lang ang may crack. Pinalitan ko agad ang frame at nilagay ulit sa tabi ng lampshade.

Malapit na kami sa plaza nang may marinig kaming malakas na kalabog di kalayuan sa kinatatayuan namin ni Dane. Nagsilapitan bawat tao para makita ang nangyari, ang iba ay tumawag sa  emergency hotlines para makahingi ng tulong. Dahan dahan kaming pumunta sa kotse nang makita ko ang tao sa loob.

"L-Luna?!" I was right about my feeling. Tangina nanghina ang loob ko sa nakita. Her pretty face was covered in her own blood.

The front of the car was completely destroyed as smoke comes out on it. Yung puno ay almost bent sa lakas ng impact.

Agad na tumulo ang luha ko sa nakita ko. The Medics came at dinala si Luna at ang driver sa hospital.

"Dane, mauna ka na sa bahay" with my worried voice.

"Kuya... mag iingat ka ha? wait kita sa bahay" she teared up.

Agad akong pumunta sa hospital kung saan dinala si Luna. Puta kahit di na ko makamove-on, basta buhay at ligtas siya. please.

Sumilip ako sa ward kung saan siya pinasok and I asked the doctor kung anong nangyari.

Deeply worried. "Doc ano pong lagay niya?"

"Just a minor accident. She has bruises all over her body at nafracture ang left leg niya. It might take a while but the most important thing is buhay siya." Doc assured me with those words. Oo hindi na kami ni Luna pero i will be always concerned for her.

Nasa hallway na ko nang makita ko ang mommy at younger brother niya. Both has tears flowing through their cheeks, hoping na buhay ang anak nila. Unfortunately, their driver was dead dahil sa internal bleeding at matindi ang shock sa katawan niya.

Umuwi ako sa bahay na mukang pagod dahil tinakbo ko lang ang sarili papunta sa hospital.

"Fuck, I look dead right now" I talked to myself.

Mom grabbed me for a hug. "Anak sinabi ni Dane nangyari, okay ka lang ba?" I know na alam niya ang isasagot ko pero she's still checking me if im okay.

Umiling ako. "Hindi ma, upo muna tayo" I told her what happened at the hospital, she was so worried for Luna. Jae and Brian stopped by to also check on me, im so lucky dahil may pamilya akong katulad nila.




































From the Ending of a TragedyWhere stories live. Discover now