Chapter 11

6 2 0
                                    

Chapter 11

TW // Death, Suicide, Self-harm, Physical Abuse

People only believe what they see outside, but the inside is something that should be kept as secret forever.

I had a dark and probably tormenting childhood. Hindi ko masyadong sinasabi sa iba ang pagkabata namin ni Dane dahil baka ma-bully pa kami sa school and its for our privacy na rin.

Nakaupo ng maayos si Nyx sa kama as I prepare myself to tell my biggest secret in life.

Me and Dane are real siblings but our Dad isn't the real one. Mom always struggle to make ends meet when she's living with our real Dad, pag walang maibigay sinasaktan agad to the point na nadadamay kami ng kapatid ko. Dad isn't violent pag lasing, sa totoo nga mas okay na lasing siya kasi tahimik lang at walang ginagawa unlike the sober version of him... a demon in disguise.

Rainy day in April, almost a decade ago. Pauwi kami nila Mama and Dane kasi kakagaling niya sa work. Dad was sober and it completely made us shiver, he grabbed Mom's hair and... slammed her head into the wall. She looked helpless with blood flowing on her tired face,, gustong gusto kong labanan si Dad pero maliit pa kami ni Dane at kahit magtulong pa kami ay baka may mangyari pang iba. Sa sobrang lakas ng impact ay nahulog ang mga nakasabit na frames namin sa dingding, it even left a big crack on it.

Hihilain ko sana ang kapatid ko para tumakbo nang may maramdaman akong saksak sa likod ko, lumingon ako hanggang sa makita ko ang hawak niyang kutsilyo. That sensation is something na ayoko nang maranasan ulit sa buhay kong 'to. Napaluhod na lang ako sa sobrang sakit, pinatakbo ko si Dane pero hindi rin siya nakaligtas. Inumpog ang ulo niya sa lamesa at sinakal hanggang sa mawalan ng malay.

The stab was so painful pero I tried everything I can to stay  awake... para maabutan kong mailigtas si Mama at Dane, kahit wag na ako basta maligtas lang sila. I cried my ass out while hoping na magkakaroon pa kami ng ikalawang buhay, just when im about to shout for help, Dad stabbed me again but this time its so much deeper. Nang dahil sa pera, handa kang sirain ang pamilya na binuo mo.

I gained consciousness after a week, nabalitaan ko na lang na naikulong na si Dad just to escape again. Hindi na yon ang importante na bagay sa akin, Mom and Dane were looking ag me with desperation. Pareho silang gising at okay, ako na lang pala ang inaantay nila gumising. Mahigpit nila akong niyakap.

Dane's face were full of sorrow and happiness at the same time.

"Kuya akala ko wala ka na, akala namin ni Mama mawawalan kami ng pamilya." As she cry her heart out.

Mom was just silent pero bakas sa muka niya ang saya, na buhay kaming tatlo.

Pupunta sana kami sa bahay para icheck kung may gamit pang pwede gamitin at ibenta pero bago namin ibukas ang pinto ay may narinig kaming halos mamatay sa pagkawala ng hininga. Agad namin binuksan ang pinto at tumambad ang katawan ng isang tao na nakasabit ang leeg.

The person that should be suffering at jail but look at him now, he can't handle life so he escaped and hanged himself here. Naramdaman kong napaluhod si Mama kaya agad ko siyang inalalayan. Si Dane naman ay umiiyak lang.

We rented a new home just near the hospital dahil mura lang ang bayad every month, akala ko bagong simula na. Hindi pa pala.

Since us siblings has trauma of what happened before, nahihirapan kaming gumawa ng mga bagay na inuutos and that made Mom furious. Pinapalo niya kami pag di agad sumusunod or minsan di kami pinapakain at kinukulong na lang sa kwarto. Maliwanag ang kwarto at walang masyadong bagay na nakaplace kaya maraming space. The thing that caught my attention was the cutter under the box. Dane was sleeping tight kaya dahan dahan akong lumakad papunta sa cutter.

I don't know what happened to myself after I cut my wrist... as if something possessed me and it was the first of several episodes I had. It even became my go-to whenever I feel shitty in life.

Ilang buwan rin akong sunod sunod ang pag-cut dahil sobra sobra na ang pag-abuso samin ni Mama, inuntog niya pa si Dane sa screen ng tv at nabasag iyon. Buti na lang at binuhat ko agad ang kapatid ko bago bumagsak ang tv or something more depressing could have even happened.

We endured everything for many months.

Birthday ni Mama at nakikipag inuman siya sa sala kasama ng mga kapitbahay. Nasa kwarto na kami at nakakain ng handa, hindi ganon karami ang iniluto pero sapat na yon para makaabot kami ng dalawa o tatlong araw.

Napansin kong bukas ang bintana at tumakbo agad sa isip kong tumakas. Tinapik tapik ko si Dane para gumising sa pagkakatulog.

"Gising, tara na tumakas." Turo ko sa bintana.

Hindi na siya nag alangan at sabay kaming nakaalis, it was past 10pm kaya wala masyadong tao sa labas. The street was so dark kaya we just ran as fast as we can. Tumakbo kami ni Dane kung saan kami idinala ng mga paa namin and it brought us to an orphanage, we looked completely tired and scared. Kinupkop kami at inalagaan ng ibang tao, ang bagay na ipinagpapasalamat namin kaya kami nabubuhay ngayon.

I wonder how the other kids got here, probably they experienced same thing like mine and my sibling or more cruel than that. Masaya ako na nabigyan kaming mga nasa ampunan ng pangalawang buhay.

We started to smile as days passed by in orphanage, may mga kaibigan kaming nakilala at nakalaro. The fun didn't last long.

Naglalaro kaming lahat sa labas when a white car pulled up, may lalaking lumabas sa driver's side. Just by looking at his hair hindi siya pinoy, but the woman inside was a pure Filipina. Mukang pipili sila ng aampunin, wala sa isip namin na magpa-ampon but rather just to be safe yet fate has other plans for us siblings.

Nadapa si Dane kaya itinayo ko siya, may sugat ang tuhod niya. Inupo ko siya para gamutin ang sugat ng nagsalita ang lalaki.

"I like those two, looks likes siblings and perfect for us." Turo ng lalaking banyaga. Bumaba ang babae at nagsalita.

"Hala oo ang cute nila, kukunin namin silang dalawa." Nakangiti ang ginang habang pinapanood akong gamutin ang kapatid ko.

Inihanda na ang mga gamit namin at pumasok sa kotse. Napaiyak ang babae sa loob at agad siyang niyakap ng asawa niya.

"We'll treat them as our own okay? Don't worry now." Paghahaplos nito sa asawa. Naisip ko agad na hindi sila magkaanak dahil sobrang saya niya na piliin kami ni Dane.

Nagpakalayo-layo kami at nagsimula ng bagong buhay. We were uncomfy at first baka tratuhin kami tulad ng totoo namin na magulang pero tama ang sabi ng lalaki na itratrato niya kami na parang tunay na anak nila.

Our bond became closer and stronger than before. We called them Mom and Dad na, masaya rin kami sa bagong buhay na nararanasan namin ngayon. May trauma pa rin kami at minsan may panic attacks pero ang importante sakin ay hindi na tulad ng dati ang sakit na gumagambala sa maayos namin na buhay.

Nyx was crying so hard as I share my past.

"Anong nangyari sa totoo mong nanay?" Pagsimangot niya sa akin.

Napailing na lang ako. "Wala na kaming balita at hindi na kami interesado."

Totoo na wala kaming balita at hindi niya kami hinanap ni minsan. Mabuti na siguro iyon para hindi na kami magkasakitan pa.

Hinawakan ko ang kamay niya. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin or isurpresa na lang siya pero I made my choice anyway.

"Nyx, come with us this vacation sa Canada. Ipapakilala kita kay Dad, gusto kong makilala ka ng mga nagpalaki sa amin ni Dane."

Siniksik na lang niya ang muka sa leeg ko at naramdaman ko ang pag tango niya. Telling her about my past made me feel at ease, para akong nabunutan ng tinik.

Natulog ulit kami para mas makapag pahinga, ano kayang nararamdaman niya nung kinwento ko ang nakaraan ko?

The past made me strong as I face hardships of the present and the future.

From the Ending of a TragedyWhere stories live. Discover now