Chapter 8

9 2 0
                                    

Chapter 8

Maaga kaming nagising at may ganap daw sa school. Pagbaba ko ay nakita kong nakaayos na sila Jae at Brian, si Nyx ay naliligo na habang si Dane ay nagbibihis. Parang dati ako laging maaga ah, nagbago ba sila... o nagbago ako? Sana puyat lang ako.

After I took a bath, I prepared breakfast for them. Hindi kami masyadong nag-iimikan dahil nag mamadali na rin kaming lahat nang biglang napasigaw si Brian when he saw a message on their gc. Isa siya sa mga school officers kaya updated siya sa bawat ganap.

"Tangina" Sigaw niya.

"Bakit?"

He showed his phone to us para basahin ang nakalagay.

"Good Morning! We noticed that the students are still tired kahit 1st sem palang as 3rd years, so we planned a field trip and a party after the prelims to unwind and relax their minds. However, you can only choose one to attend. And hindi ito mandatory. Thank You!"

"Wow field trip, aayusin ko na ang camera ko" habang kinakamot ang noo ko. I was sure na sa field trip ako sasama, maboboring lang ako sa party.

Nakangiti si Jae, looking at his food. "Parehas may pagkain, kahit saan tayo sumama mabubusog tayo."

Brian also preferred to be at the field trip.

I mean sinong hindi? makakagala ka sa ibang lugar at sagot ng school lahat. Pero ayoko maisama sa field trip kung di ko kasama ang isa sa kanilang tatlo.. but my mind is only shouting for one person. Nyx Amari.

Pumunta na kami ng school para makapag-prepare sa activities ngayon.. sana lang hindi late ang uwian.

Sinalubong kaming dalawa ni Daphne sa labas ng classroom pero hindi siya masaya.

"Sis alphabetical order na raw ang upuan next week, papasok na rin kasi ang inaantay nilang student."

Glancing at Daphne. "Ano yon buong klase?" Pero alam ko ang sagot sa sarili kong tanong, magiging magkatabi pa rin kami ni Nyx dahil sa dulo ang last names namin.

Ang petty ni Maam, kahit naman paghiwalayin niya boys at girls gagawa at gagawa sila ng paraan basta makapag-ingay.

"For 1st sem lang raw yung arrangement na yon, may evaluation kasi bago mag exam so ayun.. for formality na rin."

Tumango kami at pumasok na sa classroom. Maam Jane told us na nasa school na ang student na inaantay niya kaya agad kaming kinabahan dahil wala siyang sinasabi kung sino ito. Kinuha niya ang isang paper at sinabi ang mga pangalan namin one by one. Pumwesto agad ang mga natawag para mabilis ang oras.

Nag-iwan siya ng bakante sa unang row and that gave me relief dahil kung sino man yon, di ko siya makakatabi.

Finally... Maam Jane called my name. "Diell Tamayo? doon ka sa second to the last seat." Advantage ito sa akin dahil farsighted ako.

"Nyx Amari Villa? beside Tamayo." utos ni Maam "Seatmates pa rin pala kayo, that's cute."

Lalabas na sana ang Prof namin ng pumasok na ang taong inaantay niya, my chest went thumping and my mind went blank when I saw who it was.

"Hello, my name is Luna Gomez. Let's get along well." as she bowed and went on her seat.

Maam Jane grabbed our attention. "It seems like the seats are settled, let's start the discussion."

Nakatingin ako sa sinusulat ni Maam sa whiteboard, but my mind went somewhere else. How will I survive the whole school year kasama ang taong nanulak sakin papalayo sa kanya... sa buhay niya.

I caught her looking at me, nakasandal siya sa bintana kaya nakikita niya kaming lahat. Please lang, itigil mo yan. After those things na ginawa mo.... hindi yon madali sakin.

From the Ending of a TragedyWhere stories live. Discover now