Chapter 19

2 1 0
                                    

Chapter 19

Sorry if I was late to publish, katatapos lang ng exams and im finally free again <//3
.
.
.
.
.
.
.
.
Hindi ko na inakala na magbabago ang buhay ko ng dahil sa isang tao at isang tao lamang.

I explained to Dane what happened from the past months and she was deeply worried, also happy na magsisimula na ako ng bagong kabanata sa buhay ko. We insisted na after finals na kami pupunta sa Canada para mas makapagready ng maayos.

Finals was full of pressure and we are one week away from exams kaya balak namin mag-group review nila Daph at Jun but Luna and Cain helped us a lot too at mas marami, mas masaya so it happened just like that.

Luna was still showing signs na she's still into me, super consistent just like when we were a couple. Hinahayaan ko lang siya as I take my time to heal and realize things in life. Sinabi ko naman sa kanya na I'll let her know my decision once na maging okay na ako.

Cain's pushing me to Luna is a new genre of him, minsan hihilain pa ako para makatabi kay Luna, meanwhile the Jun-Daph couple's busy sa sarili nilang mundo pero consistent rin sila sa pag-aaral. Kaming lima lang ang palaging naghahabulan sa class rankings, feeling namin parang kami lang tuloy ang estudyante.

Pumunta ako sa playground after ng klase para magpahangin. Sakto at walang masyadong tao na nandito, except for a girl following me through my whole walk. It was Luna,, just like I expected. She looks tired pero hindi mawala ang ngiti niya pag ako ang kaharap, tumabi siya sakin sa duyan and she started to pat my back.

"You did great, proud ako sayo." Luna repeatedly said those words. Nakakagaan ng loob pag may taong proud sayo, kahit kaunting progress lang ang nagawa mo sa buhay. We all deserve a person na nagbibigay ng peace of mind at hindi sakit ng ulo.

Nakayuko ako pero nakikita kong nakatingin lang siya sa akin, tinapik niya ang likod ko bago umalis.

"I'll be in touch, ingat ka sa pag-uwi." as she walked on her way home. Her steps are light and cheerful, halatang masaya ang babae.

Umuwi na rin ako after an hour, kumakagat na rin ang dilim at baka hinihintay ako ni Dane, di pa naman yon kumakain pag walang kasabay.

I was in front of our house nang sinalubong ako ni Cain sa pinto, muka siyang pagod kaya I asked him to eat dinner with Dane. He quite ate a lot which was a good thing naman. Pumunta na ang kapatid ko sa kwarto para magpahinga kaya Cain took that chance para sabihin ang di niya masabi kanina.
.
.
.
.
.
"I was with Luna for a while at alam kong ikaw pa rin ang hinahanap ng puso niya. Heal yourself, Diell. Luna can.. and will wait for you." he smiled at me, as if giving me a greenlight but I'm not healed yet.

Cain tapped my back. "Let me know if you need help, okay? Hay nako, Diell. I never saw you as my rival... just saying. I'll help you all the way.... I love you bro."

How did I even deserved to meet this guy, the whole time na kasama ko siya.. all I think about is beating him because he was my rival pero for him, I wasn't a rival but rather an ally. He kept me close when I was pushing him away.

I wrote things in my diary bago matulog, my phone beeped and I already know who sent me a message in the middle of the night.

Luna: i'll take you somewhere after the final exams

Diell: papatayin mo na ba ako?

Luna: oo naman, joke

Napapanguso na lang ako sa mga response niya kaya natulog na lang ako to rest myself. May finals pa akong haharapin... oh right meron pa pala, Canada to meet Mom and Dad.

Nalate ako ng gising dahil medyo malamig ang panahon ngayon, I made pancakes for my sister at sa school na lang ako kakain Just when I'm about to open the door, Luna came in and brought food for us.

"Don't worry about being late, mamayang hapon pa ang klase." tinapunan niya ko ng tingin bago ilagay sa lamesa ang dala dala niyang fried chicken.

Pinalo ko siya. "Hoy, totoo yung sinabi mo?" tumango siya na may kasamang tawa habang inaayos ang mga plato. She often lies to spend time with me and I know I can't stop her.

Ni hindi ko pa naayos ang buhok ko para magmadali para lang harapin ako ni Luna na may hawak na fried chicken, hays. Sabay na kaming pumasok at agad na sumalubong si Cain na nakatayo sa labas ng classroom.

Umangat ang isang kilay nito habang nakangisi. Nanlaki mata ko sa reaksyon ng lalaki, ang aga aga nambwibwisit oh. Hinila ko na lang si Luna papasok sa classroom para hindi makita ang reaksyon ni Cain na ngayon ay sumigaw naman sa loob.

"Yung couple natin magkahawak ng kamay oh, kiligin naman kayo!" sigaw nito sa mga kaklase kong halata na masakit ang ulo kakareview, hindi naman siya nabigo dahil malakas ang hiyawan na pumasok sa tenga namin.

Umupo na lang ako para magready ng mga babasahin, tumabi pa sakin si Luna na ewan ko ba kung nangaasar o gusto lang umupo sa tabi ko.

Nilapag ni Luna ang isang makapal na libro na may mga notes. "I already prepared everything, just read it." nawalan ako ng sasabihin kaya nagbasa na lang ako. I saw her flashed a smile bago magbasa on her own. Ganon ang nangyari the whole day, nagfocus kami magreview dahil medyo complicated raw ang exams sa finals.

Palabas kami ng room at uwian na until Luna pitched an idea.

"Let's go sa seaside, magpahangin tayo."

Cain replied. "G, bored ako right now"

Daphne and Jun agreed, so I have no choice but to say yes.
.
.
.
.
.
Sabi ko na, third wheel lang ako. Magkatabi ang Daph-Jun while Luna and Cain was busy talking, they left me staring at the sunset. Grabe, tangina niyo naman.

Nakasimangot ako kumuha ng sunset photos nang agawin sakin ni Luna ang phone ko.

"I'll take one for you." bilang niya sa akin bago kumuha ng litrato. My hair was messy pero it was okay, pang dp ko lang naman sa fb. Kukunin ko na sana ang phone ko nang itutok niya ang front cam sa aming dalawa.

Sumimangot pa siya kahit alam niyang papayag ako. "Dapat may pic rin tayo, I missed taking photos with you." we took a lot of selfies together before she gave me back my phone. Busy mag-usap ang tatlo kaya I took this chance to be alone, but Luna won't let me.

She placed her hand beside mine and we started holding hands, it was warm and tight. Nakangiti lang si Luna habang inaayos ang buhok while I was busy watching her do things.

It was refreshing. Her soft hand holding mine, that feeling was just right until Luna leaned her head on my shoulder.

Parang tumigil ang paligid sa ginawa niya. Nawalan ako ng sasabihin, natataranta rin ako kaya I stayed still just for her to attack me again.

She smiled at me, like it was the first time meeting her again.

"Diell, I still love you. I never stopped loving you."

From the Ending of a TragedyWhere stories live. Discover now