Chapter 4

9 2 0
                                    

Chapter 4

She never messaged me after her reply. Hindi na rin ako pumupunta sa hospital dahil mas need ko ang pahinga.

I sighed. "Tangina akala ko vacation ang 1 month ko, torture pala" but nonetheless i enjoyed the final days ng vacation. Nagstay lang ako sa bahay, dini-distract ang sarili sa iba't ibang bagay na pwede gawin. Bumisita rin sina Jae at Brian, they asked me if pwede sila maki-sleepover dahil the next day is new sem. Pumayag si mama para sabay sabay na kaming pumasok bukas.

Dane giggled. "Ano gusto niyong meryenda? Pupunta ako ng convenience store."

"Sama na lang kami sayo" I replied. Tumango siya at sumakay na kami sa kotse ni Brian para bumili ng midnight snack. We finally arrived sa store. Wala masyadong tao kaya spacious ang bawat row.

"Bro let's eat ramyeon" Jae laughed. Pinalo siya ni Brian dahil mukang may ibang ibig sabihin si Jae.

Brian responded. "Tapos gagawin natin yung mga napapanood sa kdrama? kilabutan ka par jusko"

Natagalan kami sa store at marami kaming nabili. Hopefully makakapag enjoy kami tonight. Pagkauwi ay deretso kaming nagluto ng kakainin namin, it took us an hour to finish preparing.

Pumunta si Dane sa kwarto niya at pag nanonood siya ay nagsosolo palagi. Umupo agad kaming tatlo sa sofa para manood at uminom.

"Anong nararamdaman mo so far?" Brian asked me with hesitation, kinakabahan ata siya baka magalit ako.

I gave both of them a forced smile. "Sa recovery ko ba or kay Luna?"

"Both" Jae laughed. So I told them everything na kailangan nilang malaman.

Medyo tipsy na ko kaya may mga luha sa mata ko. "Sa recovery.. as u can see im doing fine pero medyo masakit pa wrists ko kaya wag niyo galawin baka sapakin ko kayo and kay Luna.... hindi ko alam. Namimiss ko na siya pero she begged me to get out of her sight kaya gagawin ko sinabi niya."

Dane messaged me, wtf ka sis nasa kwarto ka lang naman e.

Dane: at your own pace Diell, everything takes time. kahit pa feelings for someone. you have me and mom, also ur friends so lean on us kung nahihirapan ka. lagi kaming handa para tulungan ka. wag na kayo masyadong magpuyat kuya, papasok na kayo bukas !!! ilysm kuya, get well soon<//3

Ang thankful ko to have you as my sibling, i love you too Dane.

The three of us spend the night talking about random things, 1am ay natulog na kami para kahit papano ay sapat ang tulog bago pumasok... 10am pa naman unang class so pwede pa kaming magpalate.

Time: 9:30am, a bit sunny

My alarm clock made its loud fucking noise. Nagising kaming tatlo at 9:30 na pala... pinauna ko na silang maligo at mabilis lang naman ako.

"See you at school kuya" Dane gave me a hug.

I hugged my sibling back. "Ingat ka"

9:54 na at kumakain pa kami, parang di pa nabusog sa kinain last night.

We ran inside Brian's car at alam namin na bibilisan neto magdrive.

Brian laughed. "Seatbelt, gagawin ko munang GTA ang pagdrive ko ngayon"

Putangina. Halos masuka na ko sa bilis niya magdrive pero mahalaga ay nasa school na kami. Room 406 ang room ko at nasa dulo ng 2nd floor, tatakbo pa ko....

I ran fast as i can.. sa sobrang bilis ko ay hindi ko namalayan na may nabunggo ako paakyat sa hagdan.

"Aray ko naman" I noticed na may sugat na ang arm niya dahil sa ginawa ko. Napadapa siya sa hagdan buti at hindi siya napilay. Hindi ko na tinignan ang face niya dahil nagmamadali ako but I remembered na mahaba ang hair niya.

My voice was so nervous. "Sorry" Agad akong pumunta sa room para icheck if may vacant seats pa. Buti may dalawa sa dulo kaya agad akong umupo. I sat at the seat near the window, I can fix my thoughts here. Our prof's checking the attendance nang may pumasok sa pinto.... i don't feel good about this.

Prof asked the student. "Ikaw ba si Nyx?"

She answered back. "Yes po, Nyx Amari"

Our prof noticed a big wound at Nyx and that wound looks familiar

A bit scared. "Puta... siya yung nabunggo ko kanina"

"What happened on your arm?" Prof asked.

Umiling siya "May nakabunggo lang po sakin kanina maam, pero okay po ako"

Pinapwesto si Nyx sa tabi ko, nag iisang vacant seat na lang kasi at nasa tabi ko pa. I guess i'll talk to her after ng class.

The bell rang, finally lunch break na. Tatayo si Nyx sa seat niya nang hawakan ko ang arm niya.

"Sorry"

She put my hand down. "Don't worry, its only a scratch... just treat me lunch. Okay ba sayo?" natatawang saad niya.

"Let's go sa cafeteria" still nervous, baka gripuhan ako pauwi mamaya e. Maraming tao sa pila because its first day again kahit na ang iba ay lumalabas na lang para kumain.

Hindi ako makapaniwala na I ate with a... stranger at yung nabunggo ko pa kanina. Kaming dalawa lang ang nasa isang table, magkaharap pero di masyadong naguusap. I asked her bakit siya lumipat dito, she said na di maganda ang system sa previous school niya. While eating, nakita ako ni Jae at... nakita niyang kasama ko si Nyx.

Jae: @Brian gago si Diell may kasamang babae kumain

Brian: eh? wait mo ko pababa na ko HAHHAHAHAHA

Diell: nagpalibre lang yung tao e, hambalusin ko kayo isa isa

Jae: weh....

Brian: ikaw ha

Puta. Maaasar ako ng maaasar pag kasama ko si Nyx.

Afternoon class went okay at di kami pagod. Pupunta sana ako sa room ni Brian kaso he messaged us sa gc na mauuna na siya at may urgent matter sa bahay nila. Kaya umuwi na rin si Jae,, naiwan pa talaga ako oh. While walking nakita ko si Nyx, naglalakad mag-isa kaya sumabay na ko para safe siya.

Medyo hingal akong humabol. "Ikaw pala yan"

She chuckled. "Yep, sasabay ka sakin?"

Tumango ako and we walked together. Nakipagkwentuhan na rin ako para malibang kami.

"Dito na ko" she smiled awkwardly before I walk again, 3 houses apart lang bahay namin. I was about to walk nang tawagin niya ko.

"Diell"

Pagod na boses ko. "Bakit?"

She extended her hand. "I hope na di ako late. I want to be friends with you."

I extended mine too. "Diell, your seatmate"

"Nyx, Nyx Amari" with a smile on her face.

Nakauwi na ko sa bahay nang may nag add sakin sa fb, it was Nyx. Inaccept ko para maiadd ko rin siya sa class gc.

Nyx: Hi~

Diell: Hello

Nyx: Thank you for your treat earlier^^

Diell: Don't be, gusto mo bukas ulit?

Nyx: Wait nooooooo... ako naman mang treat tomorrow

We chatted a bit bago gawin ang mga assignments at matulog. Nalaman ko kila Jae na malapit nang ma-discharge si Luna, mabuti naman at okay na siya. I slept with a happy yet tiring day, I even met a new friend.... unexpectedly.

From the Ending of a TragedyWhere stories live. Discover now