Chapter 15

5 2 0
                                    

Chapter 15

Its been years since I traveled, nakakapanibago sa feeling na makakita ng iba't ibang tanawin habang nakaupo lang sa bus. Mabango ang bus dahil sa strawberry scent na nilagay kani-kanina lang, tingin rin ako ng tingin sa ibang seats kahit alam kong nasa likod ko lang si Luna. Probably because of Cain but he's at the front seat so I'll stop worrying for now.

Maya maya pa ay nakatulog na si Nyx sa balikat ko, she once told me na mabilis siya makatulog pag nasa byahe. Pati sila Daph at Luna nakatulog rin kaya pala nawala bigla ang daldalan sa likuran ko, ako na lang gising sa aming apat.

While they're sleeping, I took pictures of them and syempre pati ang mga lugar na nadadaanan namin. Maraming matataas na puno at malalawak na bukid ang natatanaw sa upuan ko. Sa kabila naman ay mga modern houses at walang tao sa labas, maaga pa kasi kaya tulog pa ang mga ito.

Exactly 8am bumaba kami sa isang rest area, bumili ang lahat ng meryenda at nagpahangin saglit. Ang magkasama naman ngayon ay si Nyx at Daph, leaving me with Luna. May hawak hawak siyang dalawang cones ng ice cream at mukang para sa akin ang isa.

"Mukang naiinitan ka, eat this." abot niya sa ice cream habang nakakagat sa pang-ibaba niyang labi . "It's on me so don't worry."

Nagtatawanan kami habang pinapakita ko sa kanya ang mga photos na kinuha ko kanina, including their faces while sleeping. Pagkaubos ng kinain niya ay may agad siyang sinabi sa akin, lumingon muna ito para icheck kung nasan si Nyx. Natanaw namin siya sa may churros stall kasama si Daphne kaya deretso agad si Luna sa sasabihin niya.

"A car's following us kanina pa, it was driving the same speed just like our bus." habang nilalakihan niya ko ng mata. "Hindi siya lumagpas sa tapat namin so probably si Nyx ang sinusundan, ayaw mahalata ng driver eh."

I guess its her Dad, ano to di ako makakauwi ng buhay? Just for a revenge?

Bumalik na ulit kami sa bus para maaga makapaglunch before 12. I suddenly fell asleep because of the ice cream, it was so creamy na kahit sa pagtulog ko nakakapit pa rin ang lasa. Nakasandal ako sa window kaya medyo masakit leeg ko.

When I woke up, nasa isang camping site kami binaba. It was so peaceful, ingay lang ng kalikasan ang maririnig mo aside from the chatterings. You can clearly hear the birds chirping and the leaves scattering on the ground. Napatingin ako kay Jun na may dumi ng ibon sa damit kaya agad siyang nagpalit.

Inilagay ko muna ang gamit ko sa cottage bago mag-ikot sa site, I wear slippers so I can walk comfortably. Sumabay sa akin si Daphne maglakad para raw lumipas agad ang oras. Napadpad kami sa may isang tulay na nasa gitna ng pond. There are swans enjoying their free time, aliw na aliw kami while taking pictures.

"Luna or Nyx?" tanong sa akin ni Daphne nang ibalik niya sa bulsa ang phone niya. Masama ang titig sakin na may halong kaba.

"I have doubts with Nyx, but it doesn't mean na I'll go with Luna. Let me figure this out muna bago ko masagot ang tanong mo."

She patted my back before going on her own way, Daphne's a person na lagi kang susuportahan and will always check on you. Sumalubong sa akin si Nyx na tinatawag kaming dalawa dahil lunch time na. Konti lang ang naitakal ko at napuno talaga ako sa ice cream, I told Luna pero tumatawa lang siya. Thank god hiwalay ang babae at lalaki sa cottages or I might found myself in trouble,  kasama ko si Jun at Cain sa kwarto.

Magkasama kaming tatlo na kumakain habang nagplaplano ng pwedeng gawin to kill time when Jun went out to pick some flowers.

"I'm here for a purpose..." Cain looked at me with so much pain. "Luna asked me to join her here, she sensed na may mangyayaring hindi maganda. You know what I mean."

What does that mean? Luna's priority was me all along? The moment when she pushed me away,,, is it because she needed to save me??? I thought may sagot na ko but I ended up having more questions than answers. He patted my head before going out.

He brought his camera and slinged it to his shoulders. "Everyone's taking photos outside, lumabas na rin tayo." Agad na rin akong lumabas kahit gulong gulo na sa mga nangyayari, pumuwesto kami kung nasaan si Jun to take photos together.

Everyone's having fun right now, walang bakas ng stress or pagod dahil sa mga schoolworks. Yung ibang teachers at students ay naglalaro while others were taking pictures like us, the rest of our day ended up in front of a campfire... feeling its warmth through the cold and eerie night.

Katabi ko si Nyx habang magkahawak kami ng kamay and Daphne's feeling happy to see us being like this again. Nyx is smiling like there's no tomorrow but we should focus on what's happening right now. Nilipat ko ang tingin kay Cain at mukang may pinag uusapan sila ni Luna when she caught me staring at her, my phone vibrated so I quickly checked it baka si Jae or ang kapatid ko.

Brian: kasama ko si Jae at Dane right now sa bahay nila, just watching tv while eating

Brian: i hope you're okay bro, we miss you already

Brian: come back safe kuya (dane<//3)

Mabuti at inaalis rin nila ang stress like us, everyone should rest pag pagod na. Pag feeling mo katapusan na ng buhay. Life's not a race but rather a marathon, you can stop when you're tired so pag okay ka na, you can run again until the finish line... until you reach your goal in life.

Its almost 12am nang makabalik kami sa cottage, agad kaming natulog dahil nakakaantok sa harap ng campfire. I kissed Nyx on her forehead bago maghiwalay ng daan.

The first day went really great, not hoping the same for tomorrow but as long as I'm with the people that I care so much, kuntento na ko ron.

From the Ending of a TragedyWhere stories live. Discover now