Kabanata 27

90.7K 3.1K 1.2K
                                    

Kabanata 27

Horny

I felt so tired.

Ayaw ko na masyado'ng mag-isip pa. Gusto ko na lang munang ipa-shutdown ang utak ko. Nahihirapan na akong matulog at lagi na lang puyat. Sobra'ng pasalamat ko dahil hindi naman nag-request si Laki na pumunta ako sa opisina n'ya. Kaya ang ginawa ko na lang ay ang asikasuhin ang condo ko.

Kahapon ay naipakilala na ako sa mga importante'ng tao na parte ng kompanya ni Laki. Gano'n din sa'min. Pupunta si Laki sa kompanya namin at ang sabi ni Papa ay magpahinga na lang ako. S'ya na raw ang bahala kay Laki.

"Thank you, manong! Here's a tip po!" Inabutan ko ang matanda ng limang libo na agad nitong kinagulat.

Sila kasi 'yong nautusan ni Lola na maglipat ng mga gamit ko rito sa condo. I couldn't resist my Lola.

"Naku, ma'am. 'Wag na po, binigyan na po kami ng donya," tanggi nito kahit mukhang kailangan naman nila.

Hinablot ko ang kamay n'yang puno ng alikabok dahil sa pagbubuhat ng box. "Ayos lang, manong! Pasobra ko na sa inyo!"

"Salamat po nang marami, ma'am. Malaking tulong po ito sa amin!" mangiyak-ngiyak nitong pagtanggap nang hindi na makatanggi.

Umalis na sila at ako na lang mag-isa. Tinignan ko ang paligid ng condo ko. Sinabihan ko kasi si Papa na 'yong simple lang sana at hindi gano'n kalaki dahil hindi naman ako maglalagi rito. Siguro sa gabi lang, umaga. Isa pa ay tuwing sabado pupunta naman ako sa mansiyon para bisitahin si Lola. Sa Sunday naman ay magsisimba ako, maggo-grocery, maglalaba, maglilinis ng condo.

Hindi naman gano'n kalaki ang condo. 'Yong tanggapan ko ay sakto lang, may telebisyon na flat screen, mga sofa-bed. The condo was an open plan. The following spaces, such as the living area, kitchen area, dining area were all interconnected. Except for the bedroom and toilet. Dalawa pala ang banyo ko rito. Iyong isa ay malapit sa kusina at 'yong isa naman ay sa loob ng kuwarto ko.

Nag-iisa lang din ang kuwarto ko. Aanhin ko naman ang ang isa pa'ng extra na silid, 'di ba?

Pinikit ko ang aking mga mata. Bumuntong hininga at sinimulan na ang paglilinis at pag-aayos ng mga gamit.

Tatlong oras ang tinagal ng paglilinis ko. Nasa kalagitnaan ako ng pagtatapon ng basura sa kusina nang tumunog ang cellphone ko mula sa breakfast nook.

Binalik naman 'to agad ni Laki sa'kin pagkatapos ng pagtatrabaho.

I took my phone, and read the notification. May nahanap akong mensahe mula sa isang unknown number.

Opening the message to read it, I threw the garbage that I was holding in the other hand simultaneously.

'come to my office.'

It said.

Hindi man lang nagpakilala ang sender? Pero ayon sa paraan ng pagtitipa nito. All small lowercase letters, the sender didn't need to introduce itself. I recognized the typings without even mentioning a name.

Napapunas na lamang ako ng pawis na dumadaosdos mula sa noo ko pababa sa sentido ko.

Without sending a reply to that someone who just sent me a commanding message, I went immediately to my living area. Sat there for ten minutes long. Nagpahinga ako saglit, pinapawala ang init ng katawan dahil sa paglilinis. Bago ako naligo.

Gumagabi na. Narito na rin ang kotse na ipinangako sa'kin ni Papa. Sinabihan ko rin s'ya na ayaw ko sa sobra'ng mahal na kotse. It would get people's attention, and I didn't like the spotlight.

So he bought me a white sedan. Honda Civic Type-R, to be specific.

After getting myself prepared with just wearing a simple khaki coloured minimalist white tee shirt paired with mom jeans, I locked my condo with its high tech door lock, and I was off to go.

The Magnate's Holiest Sin (Cavanaugh #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon