Kabanata 34

83.4K 2.2K 502
                                    

Kabanata 34

Disease

"K-Kuya King. . ." nanginginig kong sambit sa pangalan ng nakakatandang kapatid ko habang nakaharap sa laptop na nakalapag sa working table ko.

Narito ako sa aking silid. Dito sa sariling condo ko kung saan kami huling nagkausap at nagkasagutan ni Laki. Kanina lang ay hindi na natigil ang pag-iyak ko. Isang araw naman na ang nakalipas pero parang kanina lang nangyari ang lahat. Presko'ng presko sa isip ko ang mga katagang binitiwan niya. Nagmamarka sa isip ko ang kaniyang malamig na ekspresyon. Ayaw na mawala sa isip ko ang bumabahang katanungan at pagbabakasakali.

Umuwi ako rito kahapon kinagabihan. Umaasa ako na sana ay nanatili pa rin siya rito. Possibly waiting for me and ask forgiveness, say his apologies, and make up from his mistakes. My expectations turned me down. I came back in my condo that night, greeted by the shadows and shades of the condo's fixed furnitures on their designated areas. A hush fell over my whole condominium unit after the brewing storm of shouts and sobs with Laki.

Hindi siya naghintay sa akin. That time. I checked my wardrobe to see if he took some clothes to wear. Actually, I owned a lot of oversized tee shirt. I could not count them all to determine if one was missing. He stuffed and stocked some of his own garments here in my larger garderobe the past week as he decided to stay here. I did a minute of inspection there too. Nakita ko roon ang bakas na parang may kung sino ang kumuha ng iilang damit doon.

That lessen my worries. At least he was not that brainsick to leave the place completely naked? He still had the decency to take some wearables on. Cover his godlike of a sexy body. Akala ko kasi ay aalis siya nang nakahubad. Kaya niya yata'ng gawin iyon e'. Besides, he tore those clobber that I gave him to wear. It set my mind the probability that he might be willing to leave there? Totally nude? Unclothed?

Nilinis niya rin ang kuwarto. Hindi ko na mahanap iyong mga damit na sinira niya, iyong tinapon niya sa sahig. Marahil dinala niya maliban sa mga damit niyang nasa loob ng damitan ko, iniwan niya lang ang mga iyon dito.

As I braced myself and focused my attention on the screen of my laptop whereas I could watch my older brother's concerned handsome face, I heaved a deep breath.

"I-I can't believe that you answered my call, baby. What happened? Are you alright? Bakit namamaga ang mga mata mo, Holy? Umiyak ka ba? Sino'ng nagpaiyak sa'yo?" sunod-sunod nitong taong, bahid ang matinding pag-aalala na sa kaniyang mukha na may halong paggalak na makita ako.

Ngumuso ako. Pilit itago ang sakit at kalungkutan na dinaramdam. Ito ang unang beses na muli kaming mag-uusap ng kapatid ko matapos ang ilang taon, at sisirain ko lang dahil sa nangyari sa amin ni Laki? I had to take care of this sibling issue. I could not decline all his calls all the time. Laki had a point.

Communication would be a big help for us to handle such problems on anyone we had misunderstandings and aftereffects with. It depended on the situation at hand, if we would like some space and enough time? Have it. Do not push yourself. Refresh the mind and soul. Prevent doing stupid decisions that could exacerbate the consequences. Communicate after.

"I-I'm sorry, Kuya. I'm still mad at you that's why I'm not answering your calls. Gusto ko kasi puntahan mo'ko. Akala ko kapag hindi ko sasagutin ang mga tawag mo ay papasok sa isip mo na makipagkita sa'kin. I missed you. I love you. Napatawad na kita pero mas pinangungunahan ako ng pagtatampo ko sa'yo. I feel like you don't love me anymore. Y-You can't even bring yourself here after years of what happened." My voice cracked. Bumaba ang tingin ko sa keyboard ng laptop nang sa gano'n ay hindi niya masyado'ng kita ang nag-uumapaw na emosyon sa mga mata at mukha ko. "H-Hindi ka man lang umuwi rito para personal akong kausapin at bumawi sa mga kasalanan mo. Wala ka noong panahong kailangan kita. Nasanay kasi ako na lagi kang nandito para sa'kin. Naiintindihan ko naman na may trabaho ka at nagsisikap ka para sa atin pero ilang taon na ang lumipas. Siguro naman ay nakapag-ipon ka na ng marami para man lang makita ako. Hindi ko na kailangan ng pera, Kuya. Papa is providing for my daily needs. I'm starting to work too. Ikaw. Ikaw ang kailangan ko at gusto kong makita. Hindi 'yong mga pinapadala mo'ng pera. . ."

The Magnate's Holiest Sin (Cavanaugh #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon