Walang akong pakialam sa lahat ng bagay, 'yan ang pagkakakilala nila sa akin. Laging may sariling mundo at parang ayos lang kahit walang kasama. Hindi naman ba sila nagkamali sa pagkakakilala sa'kin?
Ito lang ang sigurado ako. Hindi ko alam kung kailan nag-umpisa, basta ba nagising na lang ako na tila iba na ang takbo ng orasan ko. Baliktad na rin ata ang mundong nilalakaran ko pero sa totoo lang, simple lang naman ang gusto ko.
"Nakatulala ka na naman sa pintuan, Mika. Si Mark na naman ba?" tanong ni Ana sa'kin nang makapasok sa classroon kasama si Karen. Kung Mark ang pangalan ng taong hinihintay ko, malugod kong paulit-ulit na sasambitin ang pangalan na 'yon.
Tulad ng inaasahan nila, hindi ko sila sinagot. Mabibilang lang ata sa kamay ang mga salitang sasabihin ko sa isang araw. Hindi naman ako pipe, hindi rin mahiyain at higit sa lahat, hindi naman ako suplada. Hindi ko talaga alam kung kailan ako nagbago. Kahapon ba? O ngayon-ngayon lang? Hindi ko na rin kasi nasasabayan ang paglakad ng panahon. Ano na bang petsa ngayon?
Basta ang gusto ko lang ay pumasok sa eskwelahan tapos uupo sa pwesto at sisimulang pagmasdan ang pintuan. Tama nga naman, may hinihintay talaga ako. Hindi naman nga siya kagwapuhan. Matangkad siya at naglalaro ng basketball, hindi nga lang kabilang sa varsity players. Teka, hindi ba at si Mark ay varsity player?
May katangusan ang ilong niya na kinaiinggitan hindi lang ng kalalakihan kundi pati kababaihan. Ang ganda naman kasi ng pagkakatangos ng ilong niya, kitang-kita ang tulis nito sa dulo at manipis na pahaba ang dalawang butas ng ilong na parang pinaglihi sa mga kano. Kung hindi lang siya kayumanggi ay baka nga paniniwalaan na Amerikano ang tatay niya. Makapal ang buhok niya at iisa lang ang style nito, parang Allen Ansay style ang uri ng pagkakatabas. Makapal din ang kilay at mahaba ang pilikmata. Sinong hindi maiinggit sa ganda no'n? Nagkatalo lang siguro sa ngipin, medyo nakubit. Pero gwapo pa rin siya para sa akin.
Love at first sight siguro ang naranasan ko sa kanya. Hindi ko naman talaga siya kilala pero hulog na hulog ata ako. Wala naman akong lakas ng loob na umamin. Naniniwala pa rin kasi ako na lalaki ang unang kikilos at hindi ang babae. Hindi ko tipo ang mag-first move kaya naman kapag napag-iwanan ako, kasalanan ko. Masisisi ko ba siya sa sakit na nararamdaman ko dahil sa kaniya? Hindi, 'di ba? Kasi hindi naman niya alam...
Hindi ko siya kaklase at tanging lagusan lamang ng nakabukas na pinto ng room ng seksiyon namin ang meron ako para magkaroon ng pagkakataon ang mga mata na tanawin siya habang dumadaan. Sa ilalim ng tirik na tirik na araw na lumalagpas sa corridor ng building namin ay sasabay siya na nasa likod ng kumpol-kumpol na mga kalalakihan na nakasuot ng varsity shirt na naglalakad palagpas sa room namin.
Every time I see him walking, I always have the view of the glimpse of his shadow. It was not dark but rather, so bright that he is able to guide mine. His shadow which has become a shining light for me.
I love him. That's what I feel.
There was a time that I gathered my courage to confess but I got scared even before really trying.
That time, nakita ko si Ana sa second floor ng building namin. Nasa corridor siya at nakatingin sa ibaba. Kitang-kita ko ang bakas ng kalungkutan at sakit sa mukha niya. The last time I saw her like that was when she knew about Daniel's death. She was devastated and miserable and now, I am seeing that kind of view again because of such petty love. Wow, I've said it. Petty, huh.
Tiningnan ko ang tinitingnan niya, saglit na nakaligtaan ang planong pag-amin. I saw Karen and Mikael walking while holding hands. What?!
Napatingin si Karen kay Ana. Nagulat siya sa nakikita sa kaibigan and at some point, there was regret written in her face. I saw her flinched and tear-eyed ignored Ana. I was about to get close to her but she walked away.