Track 2.4. Missing Moon

4 0 0
                                    

"You're the one that I like, Ana. It's always been you, since Daniel's era."

Kaysarap pakinggan ng mga salitang batid mong may laman at hindi kasinungalingan. Naging magulo nga lang ang isip at puso ko. Ayokong maging katulad ni Noa. I rejected Nore's confession and keep my long distance to Peter.

I did what I think is the right thing to do. I got hurt and that definitely hurt Nore too. I don't know what to do nor what to think anymore and so why I decided to unwind. Lumayo sa mga taong sa tingin ko ay hindi makatutulong para maging maayos muli ako o sila na alam kong mas makagugulo sa aking tahimik na pag-iisip.

I just got the moon with me but because of dark clouds, it's nowhere to be seen. I need her though. Tila sa mga nakalipas na panahon ay ang buwan lang ang kasa-kasama at nakakausap ko. She is the great listener of all. She inspires me too and encourages me to do much better.

May mga pagkakataon nga lang na hindi talaga siya mahagip ng mga mata ko. Na wari ay hindi lang siya tagapakinig mo sa mga problema, siya rin pala ay may pinagdadaanan. Maraming pagkakataon na pagtutulungan siya ng madilim na kalangitan, pagkakaitan sa atin ang liwanag na dala niya. Minsan ay hindi niya magawang magpakita sa kadahilanang walang tigil ang pagluha ng mga ulap. Sa kabila naman no'n, hindi siya sumuko na magpakita sa atin para makinig sa mga hinaing at problema na dala natin. Nakikinig lang siya at walang sasabihin. Bandang huli ay tatapikin ka niya at saka mararamdaman ang comfort na gustong-gusto mong maramdaman habang nakatanaw lang sa kanya.

Ang buwan na lagi kong kasama ay buo, malamig nga lang pero ramdam ko ang pagkakomportable at init na taglay kapag kasama siya. Madalas akong mapatingin sa kanya kahit na ako lagi ang nagkukwento. Hindi mo makikita ang kawalan ng interes sa mukha niya habang nakikinig na siyang lalong nagpapagaan ng loob ko. Siya ang uri ng buwan na ayaw kong pakawalan kahit na dumating man ang araw na ako'y masaktan dahil sa kanya.

Sa kabila ng kaguluhan sa loob ng aking isip, siya ang nagiging pahinga ko. Sa bako-bakong daan na tinatahak ko ay siya ang aking nagiging sapin sa paa. Sa bawat maling liko ko naman ay siya ang nagiging direksyon ko para itama ang lilikuan.

Sa kadilimang bumabalot sa paligid, siya ang liwanag ko.

Ito ang klase ng pakiramdam na hinding-hindi ko naramdaman sa iba, bukod-tangi siya.

Ang mga payo niya ang naging sanhi ng kapayapaan ng aking wisyo, ang haplos niya ang nagpahinahon sa aking namamanglaw na puso at ang mga tingin niya ang nagbigay sa akin ng ligaya, hindi lang saya.

Nahulog na ata ako sa buwan na ito...

Minsang madaling araw, nakatitig ako sa buwan. Dinaluhan naman ako ng kaibigan kong si Eyang. Umupo siya sa tabi ko habang may hawak na dalawang tasang may laman ng kape. Inabot niya sa akin ang isa na malugod kong tinanggap.

"Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang ay hunter ako ng mga gwapo pero ngayon, malapit na akong ikasal sa taong kinaaayawan ko but unexpectedly, sobrang minamahal ko ngayon." Palihim akong napangiti sa tinuran niya. Naaalala ko nga rin 'yung madalas niyang jowain ang mga gwapo na paulit-ulit lang din siyang niloloko at kung sino ang hindi niya type at ayaw na ayaw ay iyon ngayon ang magiging mister niya sa hinaharap.

Buhay nga naman, everything's kind of unexpected...

"Akala ko nga rin noon, ang end game mo ay si Nore. Akala ko lang pala," ani niya sabay tawa. "O kaya naman 'yong si Peter na masyadong seryoso sa buhay, pinagulo lang pala ang feelings mo sa seriousness niya," dagdag niya kaya napasabay na ako sa pagtawa niya.

"In fairness, naloka ako sa'yo. May part naman talaga na kasalanan ko pero alam ko naman na napatawad mo na ako. Nakikita ko naman ngayon na masaya ka na."

Nakayanan ko kaya ako masaya. Kasalanan ko naman din noon kung bakit hindi ko piniling maging masaya. Naniniwala naman ako na may dahilan ang lahat ng bagay na nangyayari sa buhay ko. Kahit na kasalanan kong hindi ko pinili ang kasiyahan, mas pagsisisihan ko siguro kung iyon ang pinili ko.

Hindi ko makikilala ang sarili ko ngayon kung nagbago ang desisyon ko noon.

"Sa tingin ko ay handa-handa ka na sa pagsara ng libro ng buhay mo. Nakuha mo na ang ending na gusto mo." Inalis ko ang tingin sa buwan, itinuon ito kay Eyang.

"Maliban sa nakuha ko ang ending na gusto ko ay masayang-masaya ako dahil isa ka sa mga nakasaksi no'n, Eyang."

Maraming umalis sa buhay ko na nagparanas sa akin ng iba't-ibang emosyon. Tumanda ako na na-trauma na baka kapag may pinapasok ulit akong tao sa buhay ko ay iiwan lang din ako. Those people...

Hindi man lubusang nabuksan ang kwento natin, Daniel pero masaya ako kung nasaan ka ngayon. Payapa at walang kaguluhan... sana ay lagi mo akong binabantayan. Para naman sa kapatid mong si Karen, iyon ang kaibigan na minahal ko kagaya ng pagmamahal mo sa kanya. Bilang kaibigan at kapatid, naging mahalaga kayo sa buhay ko. Hihingi naman ako ng pasensiya sa'yo, Mika. Sa mga panahong hindi kita inintindi at inalam ang pinagdadaanan mo, lagi akong wala sa tabi mo. Sana sa mga panahon na ito ay tulad ko, nakuha mo ang ending na gusto mo. Sa iyo rin, Mikael. Maraming tao ang humusga sa iyo dahil lang sa kagustuhan ko na magustuhan mo ang kaibigan ko kahit ako ang gusto mo. Sana ay hindi pa huli para humingi ng tawad sa iyo at patawarin ako.

Nore, binalewala ko ang lahat sa iyo. Alam kong labis kitang nasaktan at lalong ginulo ang buhay nang pumasok ako... pero ang memorya ko kasama ka ang pinakaiingatan ko. Hinding-hindi kita makalilimutan..

Para sa iyo naman, Peter. Hindi kita sisisihin dahil nagulo ako sa iyo kahit wala ka namang ginagawa. Pasensiya na rin at bigla na lang kitang iniwasan hanggang sa tuluyan nang hindi naglandas ang ating mga daan. Naniniwala akong may mas maganda at malawak na daan tayong tatahakin na hindi magkasama. Nawa ay lagi kang masaya.

At sa iyo naman Noa, maraming-maraming salamat. Ikaw ang dahilan kung bakit nakuha ko ang ending na gusto ko. Salamat at dumating ka sa buhay ko.

"Oh, nandiyan na pala ang buwan mo. Sinusundo ka na. tapos na ata sa meeting niya." Tumayo si Eyang matapos niyang sabihin iyon at malamyang tinapik ang balikat ko. Kapwa kami nakangiti sa papalapit sa amin. Nang makalapit siya ay niyakap ko ang bewang niya.

"Bakit mo pa ako hinintay? Hindi ka pa antok?" Hinagod niya ang buhok ko. Napapikit ako sa ginawa niya.

This kind of peace...

Hinawakan ko ang kamay niyang humahagod sa aking buhok. Ang mga daliri ko ay kusang dumiretso sa isang munting pilak na nakapaikot sa kanyang palasingsingan. Hindi magkamayaw ang ngiting nakaukit sa labi ko dahil maging siya ay kinalikot din ang pilak na meron ako sa daliri.

"Alam mo naman iyang si Ana, Claire. Hindi makatutulog kung hindi ka katabi. Edi ako na ang inggit! Bakit kasi hindi pa ako nagpakasal?! Wala tuloy akong partner sa bakasyon na ito!"

Lost WomenWhere stories live. Discover now