Track 5. Missing Ashes of Cigarette

10 0 0
                                    

Trigger Warning!

Some scenes may contain violence and not suitable for readers who have the same experience with the character for it may trigger past events. Read at your own risk.



---------------------------------------------------------

Some people believe that the journey of someone's life is based on it, some are in fate. Let's say that while you are writing your own story, they've become like waves in the ocean. This is where they depended their lives in. What happens next? They'll go with the flow. How about when you are in a state of dilemma? Both choices are good and tempting, but you can only choose one, what will you do? How are you going to process it? Is it by your feelings or intellect? Or maybe by your instinctive will?

In those choices and options, either good or bad, right or wrong, you can just honor one. And what is that?

11 years ago, I was just a mere 10 year old girl who doesn't know how to do better, and to my surprise, my mom was like that too.

I remember this one nightmare in my life where I was sitting on a bench...

"Hindi ka pa ba hinahanap sa inyo? Baka ang tatay mo'y mangati na naman ang kamao sa kahihintay sa sigarilyo niya," ani ni Aling Isla, ang nanay ng isa sa mga kababata ko. Si Graile.

Tinitigan ko ang isang kaha ng sigarilyong hawak ng maliit kong palad. Binili ko ito sa tindahan ni Aling Isla dahil iyon ang utos sa akin. Binigyan lamang ako ng limang minuto ni tatay para gawin ang iniutos niya. Magkakalahating oras na siguro ako rito sa tindahan at nakaupo lamang sa tabi. Dinuduyan ko ang dalawang maliliit na mga paa na hindi maabot-abot ang sementong tapakan. Tagpi-tagpi ang suot kong pantaas, butas ang gitnang bahagi ng pambabang short at magkaiba ang kulay ng pantapak na tsinelas. Ang buhok ay bahagyang sabog na tinitirhan ng samu't-saring mga kuto. Pati ata kuto ng pusa ay nasa ulo ko na.

Hindi nawawala ang titig ko sa sigarilyo. Dapat ay pambili namin ito ng ulam pero heto ako't pinambili ng bisyo ni tatay. Sa totoo lang ay ayokong umuwi. Gusto ko ngang hilingin na sana ay sa ibang bahay na lamang ako nakatira. Kung pwede sanang makitira kina Graile o kaya naman sa iba pa naming mga kaibigan.

Kahit gustong-gusto kong gawin iyon, mas nananaig sa akin na huwag iwan si nanay.

'Ikaw lang ang lakas ni nanay, Eyang.'

Iyan ang araw-araw kong naririnig na naging panghele sa akin sa tuwing ako ay matutulog kahit na masakit at mabigat ang pakiramdam. Si nanay lang din ang lakas ko.

"Sino ang nagbibigay ng baon mo niyan sa tuwing papasok ka? Paniguradong ang mga sinasahod ng nanay mo sa trabaho ay pambisyo lang ng tatay mong kinulam ng manananggal. Mabuti nga at kamukha mo ang nanay mo. Tatay mo parang mix race ng shokoy at engkanto." Napangiti ako sa tinuran ni Aling Isla. Hindi talaga naaalis dito ang paniniwala niya sa mga multo at aswang. Kahit kailan din talaga ay joker ito kahit na seryoso ang usapan at sitwasyon. Alam na alam ko rin kung saan nagmana si Graile. 

Animo ay si Aling Isla lang ang may pakialam sa akin. Minsan ay binibigyan niya ako ng baon at minsan din, nakikikain ako sa kanila. Nagiging bangungot nga lang ang isang magandang panaginip ko kapag hinahanap at sinusundo ako ni tatay.

Malapit na akong magtapos sa ikalimang baitang ng elementarya at sa yugtong iyon, kundi dahil kay Aling Isla ay tanging saging na hinihingi ko lamang sa kapitbahay o tira-tirang baon ang kinakain ko tuwing recess. Ang sabi ni nanay ay kahit anong mangyari ay huwag daw akong hihinto sa pag-aaral. Minsan ay may inaabot siyang sampung piso sa akin na tinitipid ko ng isang linggo. Kada araw ay may mabibili akong iba't-ibang uri ng candy na nagsanhi naman ng pagkabungal ko pero hindi bale na, masarap naman.

Lost WomenWhere stories live. Discover now