Track 2.3. Missing Distance

6 0 0
                                    

"Ana, nakikita mo 'yung dalawang kambal sa gilid ng stage? Iyon 'yung crush namin ni Claire!" kilig na kilig na sabi ni Eyang saka tumili't pinaghahampas si Claire sa braso na umiiling lang. Kanina pa rin siya bumubuntong hininga dahil dinadamay na naman siya sa kalokohan ng kaibigan. Nakangiti lang ako sa aso at pusa na ito.

Foundation Day ng university ni Claire na hindi naman kami niyaya kaya nag-feeling na lang kami ni Eyang. Sariling inivitation ang ginawa kumbaga. Ito naman kasing si Claire na ang sungit ng awra ay kailanma'y hindi kami niyaya sa mga event sa university niya unlike sa amin na lagi siyang nandoon. But at the end of the day, kahit anong klaseng coldness ang bumabalot sa sistema ni Claire ay alam kong concern siya sa amin.

Naaalala ko sila Karen at Mika. Kumusta na kaya sila ngayon? I've never seen Mika after we graduated in high school pero si Karen, nandiyan pa rin naman. Naaalala ko pa noon na ang alam ko ay nag-iisang anak lang si Daniel, kapatid niya pala si Karen. Hindi ko pa alam noon ang sitwasyon na meron sila. I tried to understand her pero ewan, na-reach na ang limitation ko na umintindi ngayon. She once tried approaching me again pero ako na ang umiwas ngayon. Hindi ko alam. Baka hindi lang talaga kami para sa isa't-isa para maging magkaibigan muli. Siguro ako na mismo ulit ang lalapit sa kanya kapag handang-handa na ako na harapin siya with no negative feelings at hindi maiilang. But for now, let's still cool off. But honestly, I'm a bit concern din kasi napakaputla niya the time na nakita ko siya.

"Si Ana naman minsan ang idamay mo sa kalokohan mo." Napatingin ako kay Claire na nakatingin sa nakangising si Eyang habang hawak ang cellphone na nasa camera app. May binabalak talaga ang babaeng ito.

"Please, pagbigyan mo na ako. Buti ka pa ay lagi silang nakikita kasi same university lang kayo. Eh, ako? Malayo ako sa inyo. Kaya please, gusto ko lang ng picture na kasama sila." Napaismid ako nang mag-puppy eyes siya kay Claire. Seryoso, Eyang? Basta talaga gwapo, singkit at maputi ay go na go ka kahit nasaan kang lugar.

"Pagbigyan mo na," ani ko. Pinasadahan ako ng saglit na tingin ni Claire bago muling bumuntong hininga. Kinuha niya ang cellphone ni Eyang saka minuwestra ang maharot na babae. Lumayo sila sa akin at lumapit sa diresyon ng kambal.

Hindi naman talaga maipagkakaila na gwapo ang mga ito at kahit sino atang mga mata ang nagmamay-ari ay magtatagal sa katitingin sa mga ito. Ganyan pala ang mga tipo ni Eyang, mahirap abutin masyado. Baka mahangin pa at mayabang, naku!

"Miss, baka gusto mong masubukan ang wedding booth namin! For free lang siya." Lumapit sa akin ang isang lalaki na may hawak na DSLR camera. Tumanggi ako sa alok niya pero mapilit siya. Hindi na ako nagiging komportable pero magalang ko pa rin siyang tinatanggihan. Nakahawak na siya sa braso ko para isama ako sa booth nang may humarang na kamay ng estranghero sa pagkakahawak ng lalaki sa braso ko.

Napatingin ako rito sabay tingala. Nakasuot siya ng pangkasal na damit. Nagkakatalo ang buhok niya na bahagyang kulot sa harapang bahagi pero pagdating sa likod ay straight. Hindi iyon nakabawas sa magandang itsura na mayroon siya. May kasingkitan at matangos ang ilong, manipis ang kilay at pilikmata ngunit mahahaba ang mga ito. Dahil sa kaputian, kitang-kita mo ang pamumula ng mukha niya dulot ng init ng araw.

"Huwag mong pilitin kung ayaw, Nate," sabi nito sa namimilit sa akin. Kapwa nila binitawan ang braso ko. Inayos ko ang sarili at humingi ng pasensiya.

"Pasensiya na, hindi ko lang talaga hilig ang mga ganyang bagay. Hindi rin ako student dito, naimbitahan lang." Nang sabihin ko iyon ay humingi rin ng pasensiya ang lalaking namilit sa akin kanina at nang ngumiti ako at sinabi ko na ayos lang ay nagpaalam na ito na babalik na sa booth ngunit bago iyon ay pinaalalahanan niya ang estranghero na mukhang kakilala niya na bumalik na rin sa booth pagkatapos humingi ng pasensiya sa akin.

Tumingin sa akin ang hindi pamilyar na lalaki. Walang bakas ng ngiti ang mga labi at seryoso lamang na nakatitig sa akin. Hindi ko mabasa ang iniisip niya sa mga oras na ito. Animo'y galit siya sa akin o naiinis. Dahil ba hindi ako pumayag na pumunta sa wedding booth nila? Mukhang siya ang groom dahil nakapambihis siya na parang ikakasal.

Aba'y malay ko ba na ikaw ang pakakasalan?! Sana pala ay hindi na ako nagpakipot na tumanggi kanina. Dapat kasi ikaw ang nagyaya, hindi photographer!

"Ana!" Narinig ko ang tawag ng mga kaibigan ko sa akin. Nilapitan nila ako at tiningnan ang lalaking kaharap ko. Ngumiti si Eyang sa kanya pero hindi niya ito ginantihan kaya napatikom ng walang sa oras ang bibig ng maharot kong kaibigan.

"Peter?" Si Claire. Kapwa kami gulat ni Eyang na napatingin sa kanya.

"Ah, nakalimutan ko. Peter, si Ana at Eyang pala na mga kaibigan ko. Tapos kayong dalawa naman, ito si Peter na pinsan ko," pagpapakilala ni Claire sa amin at sa pinsan niyang si Peter. Nasa architecture department ito habang si Claire ay nasa education. May mga pagkakataon na nagba-bonding ang magpinsan o kaya'y sasamahan ng lalaki na mag-unwind si Claire. Wow.

Well, that was also the time that I knew that it will be another heartache, este, headache. Hindi talaga ako attracted sa kanya pero dahil kay Eyang, nagbago ang ihip ng hangin. Tinotoo nga niya ang suhesyon ni Claire na ako naman daw ang isama nito sa kalokohan. Nakatatawang kalokohan.

Madalas na nakasasama na namin si Peter sa mga galaan dahil ka-close ito ni Claire simula nang layuan niya na ang mga dating kaibigan na walang magandang naidulot sa kanya. Ito namang si Eyang, pilit at pinipilit na sa tuwing kasama namin ang lalaki ay sinasabi nito na gusto ko ang lalaki.

Sinong hindi maloloka sa mga kalokohan ni Eyang?

Noong una ay hindi namin pansin ni Peter ang trip ng kaibigan ko hanggang sa unti-unti ay naiilang na ako sa tuwing siya lang mismo ang susundo sa akin sa university. Tatawagan siya minsan ni Eyang na madalas na hindi ko na kasama sa pag-uwi dahil late na ang schedule ko. Mag-aask siya ng favor na sunduin ako dahil wala akong kasabay. Hindi naman tumatanggi ang isa. Ayos lang sana na sunduin niya ako basta kasama niya si Claire pero hindi e.

May punto pa na kapag tatambay kaming magkakaibigan sa isang coffee shop ay kapwa kami mauuna rito. Hindi ko tuloy alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Wala naman. Wala akong nasasabi kapag siya ang kaharap kaya nakaiilang talaga.

"Are you not comfortable with me?" One time while waiting for Claire and Eyang, he asked me this. Namamasa ang mga kamay ko sa ilalim ng mesa nang tumingin ako sa kanya na seryosong nakatingin pala sa akin.

"Hindi naman. Wala lang akong masabi," sagot ko. Tumango-tango lang siya sa akin saka sabay may kinuha sa bulsa niya. Isang puting earpads. Inabot niya sa akin ito na ipinagtaka ko.

"Listen to music. It's the best way to forget the reality and so, you may start to feel comfortable with me."

I did what he said. Nakatingin ako sa kanya habang siya ay nakasilip sa glass window. While listening to his sound, I suddenly feel the distance between us. Where are we, actually? Are we near? Or are we too far from one another?

I don't know. I became confused.

"You're the one that I like, Ana. It's always been you, since Daniel's era."

Nabalik ako sa realidad nang marinig mula kay Nore ang mga katagang iyan. Hindi ako makapagsalita, hindi ko alam ang sasabihin o kung ano man ang isasagot ko. I am being cornered by him right now, wala man lang akong mapagtatanungan o mapaghihingan ng advice but then, I saw someone in a distance.

While I'm on a velocipede type of bike with Nore, I saw Peter walking with his usual expression.

Lost WomenWhere stories live. Discover now