Chapter 1

393 10 3
                                    

***Catherine***

Tahimik lang akong nanonood sa kwarto nang dumating si Mommy. Kumuha siya ng damit, 'yung pinakamaganda. Hinawakan niya 'ko sa kamay at inupo sa tapat ng salamin. Aayusan nanaman niya 'ko, siguro ay may bisita kaming padating.

"Mommy, did you cry?" Tanong ko. I was only 8 back then, ngunit kahit hindi man siya magsalita, I know she's in pain.

Ngumiti lamang ito saka sinuklay ang buhok ko. "Nag-pray kasi si Mommy." Ito naman ang palagi niyang excuse. Kesyo nagdasal kasi siya. I know how devoted Mom is to her Christian life, but I also know, na sa bawat prayer niya, kasama si Daddy duon.

I hate Dad. I hate that Richard, the monster.

"Sino po ba ang dadating ngayon?" Tanong ko.

"Sila Tito Warren mo, and 'yung pinsan mo, si Oliver." Masiglang sabi ni Mommy. Kitang-kita naman sa mukha niya ang excitement, naisip ko tuloy, siguro ay matalik silang magkakaibigan nuon pa man.

Hindi ko pa nakikita ang pinsan kong iyon, tuwing bumibisita kasi si Tito Warren, madalas siya lang. Si Tita Olivia naman ay isang beses ko pa lang din nakikita.

"Osya, magbihis ka na, anak. Mamaya andyan na sila." Sabi ni Mommy saka ako tinulungang isuot iyon.

"Tutulong muna ako sa baba ha, bumaba ka rin agad para sumalubong, okay?" Payo nito, so I just nodded. Pinanood ko siyang lumabas, saka ako muling umupo sa kama at kinuha ang libro ko. I was probably an introvert since 8 years old.

Sa katunayan, ayokong bumaba at makipag-usap. Ano ba naman kasi ang gagawin ko duon? Magmamano, makikinig sa usapang matanda? I didn't even know how old my cousin was. Makakalaro ko ba siya, o baka naman he's old to be my Kuya.

I turned on the TV at nilakasan ang volume para hindi ko marinig kapag tinawag na 'ko ni Mommy. Oo, ang pilya ko talaga nuon, and maybe hanggang ngayon. Pero kasalanan ko ba? Kasalanan ko ba'ng lumaki ng ganito, halos hindi pinapansin sa bahay, hindi pinapalabas sa takot na mapahamak ako. Mom and I stayed inside the house, unless ipasyal kami ni Daddy.

Mommy has a weak heart, hindi siya pwedeng mapagod o sobrang masaktan, kaya naiintindihan ko din, at an early age, kung bakit overprotective siya sa'kin. Hindi ko lang maintindihan kung bakit niya pinakasalan ang Tatay ko ngayon na obviously, hindi ako mahal.

Patuloy pa rin ako sa pagbasa ng favorite story book ko. Though sobrang lakas ng volume ng TV, mas focus pa din ako sa binabasa ko. Ilang ulit ko na nga 'tong nabasa e, itong Sleeping Beauty.

"Hello?" Bati ng isang batang lalaki habang hawak ang doorknob. Did he knock, o hindi ko lang narinig sa lakas ng volume?

"Hello?!" Sigaw pa nito sa pag-aakalang hindi ko siya narinig.

Tumayo ako at in-off ang TV. I smiled at him, he was really cute, though I figured out he's quite older than me.

Pagkalapit ko sa kanya ay hindi muna ito nagsalita. Nakatitig lang siya sa'kin, as if all of a sudden he was curious about me.

"You're pretty." Sabi nito, and as a child I was, nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko iyon. Natuwa naman ako kasi 'yun pa talaga mismo ang una niyang komento sa akin.

"Thank you, anong pangalan mo?" Tanong ko habang napapatawa na lang sa reaksyon niya. Hindi ko alam kung bakit sa mga sandaling 'yun, para akong nakahanap ng kaibigan.

Kumunot ang kanyang noo. Hindi niya ba 'ko naintindihan? English speaking ba talaga siya?

I sighed, and then spoke again, "What's your name?" Buti na lang at home-schooled ako, mas natuturuan akong mabuti, lalo na kapag may time si Mommy, siya na mismo ang nagtuturo sa'kin ng language.

"Oh, I'm Oliver." Sagot niya. So siya nga ang pinsan ko na sinasabi ni Mommy. "How about you, what's your name?"

"Catherine." Sabi ko at pinatuloy siya sa aking munting kwarto. "Why did you go up here?"

"Your Mom's been calling for you, but you won't answer. So she told me that I go up instead." He said in his fluent English. Can't he learn our language?

"Ah... ayokong bumaba e." Mahina kong tugon, kinuha ang libro, saka muling umupo sa kama. Hindi ito umimik at nakatitig lang sa'kin. Hindi nanaman niya siguro naintindihan ang sinabi ko.

"I said, I don't want to go down."

"But your Mom is calling you. You should also pay respect to my parents." Pagpilit pa niya.

Back then, I realized, how loved he must really be. Marahil ay hindi siya napapabayaan ng kanyang mga magulang, 'di gaya ko na parang accessory lang, masabi lang na may anak sila.

"Okay, give me a minute." Sagot ko, bumaba mula sa kama, at sinoli ang libro sa shelf.

I sighed at muling humarap sa salamin. Pinractice ko kung paano ako ngingiti, paano ako babati, habang nakatingin pa din sa'kin si Oliver. Ewan ko nga kung bakit sa kanya ay hindi ako nahihiya.

"C'mon, let's go down." Pangungulit pa niya. "People won't bite you."

"Yeah but, I'm really shy." Finally, na-admit ko rin sa isang tao kung ano talaga ang nararamdaman ko. Alam kong napapansin ito ng mga magulang ko, but I've never opened up to them. Baka mas lalo lang nila akong ikahiya.

"Why would you?" Tanong nito at lumapit sa'kin, and then suddenly, wrapped his little fingers around mine. "Let's go, I will guide you."

For once in my life, I found a friend. Sa unang pagkakataon, pakiramdam ko ay special ako sa taong ito, bagamat mga bata pa kami, I knew we'd make a good team. He was my first crush, my cousin.

■■■

AN: Hello, good readers! This is a sequel to my other novel, Olivia the Forgotten Wife. Though hindi naman kayo maliligaw sa story na 'to if hindi niyo pa iyon nababasa, kasi ibang characters na naman ang mga bida. Basically, the children of the previous novel. This story is of different concept, so hindi po talaga sila magkatulad. If you have time then you can check on Olivia as well. HAPPY READING! ♡

Oh, vote and comment pleaseee??? :( ♡

Catherine - her secret, her loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon