Chapter 6

127 8 0
                                    

***Oliver***

None of us spoke of how wrong to say that we love each other. None of us spoke of the consequences. We just stayed, staring and longing. Until I couldn't hold it any longer..

Muli ko siyang hinalikan, but this time, she didn't resist. Ano na nga lang ba ang sasabihin ng mga magulang namin kapag nalaman nila ang lahat? But that I cared less back then.

I was so in love.

"Oliver," Mahinang tugon ni Catherine habang nakahawak sa aking pisngi. She was breathless, and so was I. "Pwede bang... 'wag ka nang umalis? Huwag mo na 'kong iwan?"

Halos madurog ang puso ko nang makita siyang umiiyak, begging me to stay. Kung pwede lang, kung pwede lang na magsama na kami habang buhay...

"Catherine..." I seriously cannot find any words to say.

"Kelan ka babalik? Kelan kita makikita ulit?"

"Let's get in touch." Sagot ko. "May Facebook, may Twitter... and I know your number, even if you don't text that much."

Tumango lamang ito, alam kong mahirap, ngunit kailangan naming intindihin. If we have to suffer from Long-distance relationship, so be it. Wala namang madali sa bawal na pagmamahalan.

"Okay, let's get in touch."

***

I was still silent when we left. Wala akong ibang maramdaman kundi lungkot. Kung kailan ba naman kasi ako kailangang umalis, saka pa umamin sa'kin si Catherine tungkol sa tunay niyang nararamdaman. Ngunit maya't-maya din ang kabog ng puso ko. I couldn't stop thinking of her sudden confession. I remember every word, every detail that she said.

"Oliver, we're almost here. Tamang-tama, parating na rin sila." Masayang sabi ni Mommy while my mind was busy  wandering.

"Sino po?"

Napakunot ng noo si Mommy. Siguro sobrang obvious na wala ako sa sarili, o baka naman namumula na ang mukha ko sa kilig.

"Haynako, 'di ba I told you, 'yung kumare ko at 'yung anak niya. Si Harlene. Her Mom sent me a picture of her, wanna see it?" Sabi pa niya at inabot na agad sa'kin 'yung phone so malamang, I have no choice but to stare on the picture.

Walang filter 'yung photo, so walang daya. Yes, she's a beauty, but that alone won't make me fall in love with her. Kapag may kinalolokohan na kasi akong babae, siya lang ang pinakamaganda; the rest, average na lang.

"What do you think? Pretty, right?" Asked Mom. Inaabangan talaga niya ang reaksyon ko e.

"Bakit parang 'di mo type, anak? Lalaki ba gusto mo?" Pabiro pang dagdag ni Dad kaya nasuntok tuloy siya sa balikat ni Mommy.

"Ikaw talaga! Kung ano-anong sinasabi mo!"

"Bakit, nagbibiro lang ako," He answered, laughing.

Ilang beses ko nang na-witness ang asaran nila Mom and Dad. Minsan nga mag-aaway sila, tapos mauuwi sa lambingan. Sa ganitong scenario nga, hindi ko maiwasang masagi sa isip ko si Catherine. Posible kayang maging ganito kami kasaya?

But nah, bago ko isipin ang future namin, sa tingin ko kailangan muna naming mapanindigan ang relasyon namin sa aming mga magulang. I know, we're going to go through a lot of problem, but it's gonna be worth it anyway.

***

Ilang minuto lang pagdating namin ng bahay ay dumating na rin 'yung kasamahan ni Mommy, pati na ang kanyang anak. Turns out, single Mom na pala si Tita Therese, five years old pa lang daw kasi si Harlene nang mamatay ang kanyang asawa, so she had to raise her daughter on her own. Hindi na siya nag-asawa pa, but she's still open for relationships. It's just that last year, kakabreak lang daw nila ng kanyang boyfriend.

"Nako, itong anak ko, never nagka-boyfriend 'to. Sabi ko nga e, kailangan kilala ko muna 'yung lalaki, at kailangan graduate na siya ng college." Kwento ni Tita, actually kanina pa siya madaming sinasabi. Siguro nature na talaga niya ang pagiging makwento. "Buti nga at tumawag ka e," Dagdag pa nito, kausap si Mommy, "at least kilala ko si Oliver. Tsaka, isang sem na lang naman pareho na silang graduate."

"Uh, excuse me po," Nahihyang sabi ni Harlene, "Saan po 'yung CR?" Pakiwari ko'y kanina pa niya gustong umalis.

"Oliver, bakit hindi mo samahan si Harlene?" Mom suggested as if this is a chance she's been waiting for. The chance that we could talk alone.

I nodded, saka tumayo na rin. Maging ako din naman ay ayaw nang makinig sa usapan nila. Naisip ko tuloy, sana katulad ko din si Harlene na may ibang mahal para hindi na namin kailangan pang i-pressure ang aming sarili.

Nauna akong naglakad at nang makarating na kami sa tapat, tinuro ko na ito sa kanya. I leaned on the wall, when suddenly Gordon, our Persian cat, rubbed its fur on my legs. Natuwa ako kaya binuhat ko ito.

"Kumusta ka, na-miss mo kami 'no?" Parang ewan kong tanong, knowing that it couldn't answer me.

Pagkalabas ni Harlene ay agad niyang napansin ang pusang hawak ko. Napangiti ito as if she wanted to grab it from me immediately.

"May pusa pala kayo. Ang cute naman niya." Excited nitong sabi. Kanina lang ay hindi makabasag pinggan ang katahimikan niya, ngayon naman, parang nagliwanag ang kanyang mukha and suddenly she's able to speak.

"Yeah, meet Gordon. You want to touch him?" I asked, and once she nodded, I gave the cat to her. Tuwang-tuwa ito nang mahawakan si Gordon, halata mong pet lover siya gaya ko.

"Ilang year na siya sa inyo?" Tanong nito habang nilalaro ang pusa. Nakakatuwa siyang panuorin, actually. It's good seeing a person who has the same interest as you.

"Mga 4 years na din."

Nang masagot ko iyon ay wala na ulit nagsalita sa amin. We just paid attention to the cat so it wouldn't be so awkward. Ang dami kong gustong sabihin sa kanya. I want to ask her if she's willing to pursue this arranged marriage, or if she has someone she's in love with now. Pero napapaurong lang ang dila ko. Ayokong i-offend siya kaya naman ako na mismo ang naghihintay na i-open up niya 'yung topic.

"By the way," Finally, she spoke, "About sa fixed marriage," Tumigil siya at napatingin sa'kin... 'yung tingin na sincere, mala-angelic, at 'yung tipong hindi ka magsasawang titigan. Don't get me wrong, I'm not in love with her.

"I'm not in love with you yet." Bigla nitong sabi na tila nagmamatch talaga ang aming isipan. Ngunit bakit may 'yet' pa?

"Ayoko kasing pinipilit ako, lalo na sa taong hindi ko naman kilala. Hindi ko pa nga alam kung mamahalin kita e, o kung mamahalin mo man ako." Dagdag pa nito. Napayuko ito habang hinihimas ang balahibo ng pusa. At least now, she didn't find the situation too awkward. At least now, nakakapagsalita na siya at nasasabi ang gustong sabihin.

Ibinaba nito ang pusa at inayos ang sarili. Muli siyang tumingin ng deretso sa'kin, and then she said, "But I can wait. Hihintayin ko na lang kung kelan ka ready para ligawan ako."



Catherine - her secret, her loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon