Chapter 7

141 9 1
                                    

***Catherine***

Paggising ko ay nag-aaway nanaman sila.

Dumeretso na lang ako sa baba upang mag-agahan, at para ma-divert na din ang atensyon ko mula sa kanilang ingay. Ang dahilan? Marahil ay tungkol sa'kin nanaman.

Ilang sandali pa ay bumaba na rin sila, si Dad, nagmamdaling lumabas, habang si Mommy naman ay patuloy pa rin siyang tinatawag.

"Kumain ka muna." Pakiusap nito, kulang na lang ay umiyak na sa harap ko at sa katulong. Sanay na naman kami e.

"Hindi na." Cold na sabi ni Daddy at nagawa pang halikan si Mommy sa pisngi. "Una na 'ko," dagdag pa nito, and as usual, hindi nagpaalam sa'kin.

Pinunasan na ni Mommy ang kanyang luha at pinanood na lumabas ang kanyang asawa. Sa tingin ko nga, kung wala ako sa bahay na 'to, marahil ay wala silang magiging problema. Marahil ay mas magiging maayos pa ang pagsasama nilang dalawa.

Natigil na ang paghikbi ni Mommy nang muling bumalik sa dining table. Inutusan nito ang katulong na kuhanan siya ng tubig, saka siya tumayo sa tabi ko.

"Bakit kasi hindi niyo na lang ho iwanan 'yung asawa niyo." I said, all of a sudden. Minsan talaga hindi ko na mapigilan ang dila ko. Pa'no ba naman, halos araw-araw na lang silang nagbabangayan.

"Catherine? Kung makapagsalita ka parang hindi mo siya Daddy." Gulat na sabi ni Mommy.

"Daddy ko nga ba talaga siya? Kaya ba kayo palaging nag-aaway? Hindi nga niya 'ko madalas pansinin e. Bakit hindi niyo na lang ako ibalik kung saang lupalop niyo man ako napulot?" Sa pagdadrama kong 'to ay isang malakas na sampal ang inabot ko.

Maging ang katulong ay nagulat sa nangyari kaya madali nitong nilapag ang muntik na matapon na tubig. Ito kasi ang unang pagkakataon na sinampal ako ni Mommy.

"You worthless..." Nanggigigil sa galit si Mommy ngunit hindi na niya natuloy pa ito. Bahagya itong napaurong, and then decided to just leave.

Nakahawak pa rin ako sa namumula kong pisngi at tuluyan nang napaluha. My Mom just called me 'worthless'. Sino nga ba ang hindi masasaktan nu'n?

"M-ma'am, tubig po..." Nanginginig na sabi ng katulong habang binibigay ang tubig. Natitigan ko siya ng masama saka tinulak ang sarili patayo. Lumakad ako sa taas, dumeretso sa kwarto, saka sinarado ang pinto.

Hindi na nga ako pinapalabas ng bahay, ganito pa ang trato nila sa'kin. Binuksan ko ang laptop at naglog in sa FB. Bagamat sobrang labo pa ng mga mata ko ngayon, kitang-kita ko na wala pang message sa'kin si Oliver. I thought we were supposed to contact each other every time? E bakit ilang araw na ang lumipas, wala pa ring balita mula sa kanya?

Natuloy kaya 'yung fixed marriage? Ngustuhan na kaya niya 'yung babae, o 'di kaya ay sumuko na sa'kin?

Patuloy pa rin ako sa pag-iyak hanggang sa nagpop ang chatbox. Finally, nag-PM din siya.

"Hi Catherine, sorry kung ngayon lang ako nakapag-online, medyo naging busy ako sa pagprocess ng school papers ko e. Alam mo naman, malapit na magpasukan. Hmm, about sa marriage pala, 'wag mo na isipin 'yun, kasi hindi ko naman talaga tatanggapin at hindi naman ako pinipilit nila Mommy. Kumusta ka pala? Okay ka lang ba dyan? Reply ka agad kapag nabasa mo na ha, miss na kita e."

Napangiti ako sa aking nabasa. Kung pwede lang sana na andito rin siya, kasama ko, siguro mas luluwag ang pakiramdam ko. Pero kahit paaano, sa message niyang 'to e natuwa at kinilig ako.

"Hello, okay naman ako..." Matipid kong reply sa chat, though ang dami ko talagang gustong sabihin.

Ilang segundo lang ay nagreply ito agad, "May nangyari ba? You don't look okay to me."

Catherine - her secret, her loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon